10 "Highschool crush"

125 6 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Highschool crush

Ngayon... nakita ko yung highschool crush ko kasama yung baby niya.

Bigla kong naalala yung mga araw na sinusulatan ko pa siya ng love letters pero anonymous ang sender dahil natatakot akong umamin noon. Tuwing Valentine's, patago akong naglalagay ako ng chocolates sa bag niya tapos magtatago ako kapag nakita kong parating na siya. Makita ko lang ang mga ngiti niya habang binabasa yung mga sulat ko, solved na ako eh. Naalala ko rin yung mga araw na kapag kausap ko siya, nabubulol ako. Tapos yung hinawakan niya yung kamay ko nung PE namin, hindi ako naghugas ng kamay nun buong gabi. Natulog akong nasa pisngi ko yung kamay ko kasi iniimagine kong kamay niya yun. Siya yung first love ko. Sa kaniya ko naramdaman na bukod sa mga magulang at mga kapatid ko, pwede pa pala akong mag-mahal ng ibang tao. Sa kaniya ko naramdaman yung unang kilig, unang saya, unang heartbreak.

Nalaman kong sila na nung nanliligaw sa kaniya na classmate din namin.

Hindi ako kumain buong araw nung nalaman ko yun. Wala rin akong ganang pumasok kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko sila eh. Buti na nga lang fourth year na kami nun kaya nakatulong din sa paglimot yung pag lipat ko sa ibang school para sa college.

After seven years, nagkaroon ng get together yung batch namin. Sumama ako dahil sa kaniya. Hinanap ko siya pero hindi na raw siya makakapunta sabi ng bestfriend niya na classmate din namin noon kasi busy na raw sa trabaho. Pero aside sa mga kwentuhang career, may nalaman ako na nag paguho ng mundo ko.

Sabi ng bestfriend niya, crush din daw ako noon nung crush ko. Almost four years daw akong hinintay umamin pero hindi ko nagawa. Sinagot niya yung kaklase namin para lang daw pagselosin ako at magkaroon ako ng lakas ng loob kunin siya. Pero hindi ko rin nagawa. Nabalitaan kong nabuntis siya ng kaklase namin at iniwan, kaya siya na lang ang bumubuhay sa anak nila. Para akong lumubog sa kinauupuan ko nung mga oras na pinakikinggan ko yun. Sayang. Sobrang sayang!

Pero ngayon na may girlfriend na ako, iniisip ko na lang na plano na ng Dyos na hindi kami magkatuluyan. Nakita ko siyang masaya kasama ang baby niya, masaya na rin ako kasama ang babaeng minamahal ko ngayon. Kaya wala na akong pinanghihinayangan sa nangyari sa buhay pag-ibig ko. Lalo na ngayon na magiging tatay na rin ako.

:)

Eric
200x
IAS
FEU Manila

ConfessionsOnde histórias criam vida. Descubra agora