5 "Hanggang dito nalang"

168 3 0
                                    

Post taken from//Fb page: Dela Salle University - Dasmariñas Secret Files

"Hanggang dito nalang"
Who would have thought that I will fall inlove again.
"No string attach" yan ang pananaw ko after my last relationship 5years ago.
Landi lang, pero hanggang ganoon lang!
Dalawa lang kasi yan lagi.
Manloloko, magpapaloko. Mananakit, masasaktan.
Mang-iiwan at yung iniwan.
Ayoko na ako yung talo, kaya lahat pinanalo ko.
Then nakilala ko sya, This may sound cliche but let me tell you our story.
Na love at first sight ata ako sayo. Bigla pakiramdam ko iba. Kaya umiwas na agad ako. Kasi sabi ko nga ayoko ng ganito. Di ako pwedeng matalo.
Pero pinaglapit na tayo ng pagkakataon, dumalas yung lagi tayong nagkakasama at nagsimula na ding mag-usap.
Natatakot ako kasi ayokong makita mo na may damdamin ako sayo.
Kasi ganoon naman diba, ang unang mainlove talo!
Pero wala eh, nadadala na ko. Nag-uusap, nagkikita. Hanggang sa isang araw may nangyari na satin.
Nagulat ako kasi bakit pinahintulutan kong pumasok sa ganitong sitwasyon.
Hindi pwede to! Hindi tama to! At hindi ako para sa ganito. Umiwas ako, pinigilan ko pero sabi mo magtiwala ako at kumapit. Tinago natin, kasi hindi ko din maamin na sayo pa ako nagkaganito.
Sumugal ako sa walang tayo, basta may ikaw at ako. Yung masaya lang! Laging magkasama, hanggang sa may nakakita satin. Sabi ko ayoko na. Kasi hindi pwede to na malaman nila na mahina din pala ako pag dating sa pag-ibig.
Pero sabi mo, "Ngayon pa ba na alam na nila tsaka ka pa bibitaw, kapit lang. Tiwala lang!"
Kahit na natatakot na ko pero ikaw yung pinipili ng puso ko. Kaya sige sabi ko, "talo na kung talo, pero ipaglalaban ko to."
Yung malakas na ako, humina ng dahil sayo.
Yung mataas na ako, bumaba para sayo.
Sabi ko, "Ito na. Ikaw na!"
Hanggang sa isang araw, pagkakataon na mismo ang gumawa para satin.
Nakita kita na may kausap na iba, nagpigil ako kasi wala nga palang tayo.
Pero nagulat ako na may isang babae pang lumapit sayo. "Ahhh sya lang pala." Ang sabi ko sa isip ko.
Kaya nakampante ako. Nakita ko nagkukwentuhan lang kayo. Pero hanggang sa iba na yung nararamdaman ko. Naalala ko, may nagsabi sakin na may nakakita sakanya na may kahawak kamay. Pero sabi ko hindi nya magagawa sakin yun kasi hindi na sya iba sakin. Halos para na kaming magkapatid nun.
Pero parang ang lalim na ng usapan nyo, at tinitignan mo lang ako.
Hanggang sa may lumapit sakin, "Oh, nandito "Sila" (nakatingin sa direksyon patungo sainyo) "Sila?" ang sabi ko. "May sila?" ang pagtatanong sa isip ko.Parang sasabog ang puso ko nung mga oras na iyon.
"Diba sabi ko sayo, may nakakita sakanya (yung babaeng kausap nya) na may kahawak kamay. At sya yun!" Ang sabi nya.
At doon nagsimulang naging malinaw sakin ang lahat.
Hindi ako na inform na may kayo pala.
Hindi ako na inform na dalawa pala kami at alam nya.
Hindi ako na inform na naglalaro lang pala tayo, sana sinabi mo para ginalingan ko at nag sapatos pa ko.
Tutal matapang ako, hinarap ko ang totoo.
At sayo na mismo nanggaling na oo may kayo.
Naguluhan ako, "eh ano yung tayo?" Sabi ko sa isip ko.
Di ko maintindihan, nakikinig lang ako. Habang sinasabi mo na pagtapos natin kayo naman ang nagkikita.
Na alam na nya lahat mula nung simula.
Kaya sabi ko, "tapusin na natin to. Bakit? Bakit mo nagawa sakin to?"
Minahal kita, mali ba yon?
Hindi ba't ikaw ang naglagay sakin sa sitwasyon ngayon.
Kung may kayo? Ano tayo?
Lahat ba ng sinabi at pinakita mo'y totoo? Niloko mo ko! Hindi, niloko nyo ko!
Sana sinabi mo una palang na may kayo, kasi diba didistansya naman ako.
Pero sabi mo, "Kapit lang" at akala ko Ako lang.
Pinag mukha nyo akong tanga! Hindi, mukha akong tanga!
At yun ang masakit sakin. Durog na durog ako, na sa sitwasyong ito, ako ang talo.
Dahil lahat ng nangyari, pinakita at sinabi mo sa akin ay isang kasinungalingan, malaking kalokohan lang pala!
Akala ko nagmamahalan, pero ako lang pala ang nagmahal.
Paano ko nga ba hihingiin sayo na ako nalang ang mahalin mo, wag ang babaeng ito na parang halos kapatid ko na.
Hanggang dito nalang!
Sabi na talo talaga ako e, pag babae na ang kalaban.
Kaya nga una palang sabi ko hanggang landi lang. Dahil lalaki nga rin pala ako!
Oo lalaki ako, na nagmahal din ng isang lalaki.

Unknown~
College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM 2015)

ConfessionsWhere stories live. Discover now