89 "Summer 2k18 (horror)"

55 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: Ust secret files
N//: Nakakatawa yung pagka-deliver nya ng story. Swear ! lol

SUMMER 2K18 (HORRRRROR)

Hi avid reader ako dito sobra. Ako si glory.  gusto ko lang ishare yung nangyari sakin this summer 2018. At sana mapost at mabasa nyo.

May 8, 2018 - (Fiesta Dito sa lugar namin which is Nueva Ecija btw taga Manila ako province lang namin to)

Pumunta kami ng perya(bario) . Nandito kase nakatayo bahay namin sa bukid tapos layo layo pa yung bahay then puro pilapil nangyari to around 9 or 10 pm . Nawala kase yung pera ko sabi ko baka naiwan ko sa bahay or nalaglag sa daan. kaya binalikan namin. Ang gamit lang namin nun is "kolongkolong" (sidecar) yung parang sa kulungan ng baboy kaya open sya. Ako(backride) yung pamangkin ko(driver) at yung kaibigan nya nakaupo sa loob. So hinanap namin kaso hindi namin nakita. Tapos nung pabalik na kami ng bario nagiilaw padin ako kase baka sakaling nalagpasan lang. Gamit kong pangilaw nun is flashlight ng cellphone ko. tapos habang nasa daanan na kami. sobrang dilim kase walang mga poste ng ilaw kase bukid nga tapos muntik na kaming may masagasaang aso. May tinatahulan at nakatingin dun sa may pilapil edi nilingon namin kung saan naka tingin yung aso. Pang lingon namin mapapamura ka ng pksht malutong bes. May tao. Dun sa may pilapil. dis oras ng gabi. Yung pwesto nya is yung pang luksong baka ganun. edi akala namin tumatae lang edi inilawan namin. tawa pa kami ng tawa. Tapos p*ta lumingon tapos yung mata nya pure white ang creepy sobra. Edi yung tawa namin biglang natigilan. Tapos biglang ngumiti p*ta maiihi nako sa sobrang takot t*ng in* . Tapos karipas kami padyak kung padyak yung pamangkin ko wapakels kung masipa sya nung padyakan ng sidecar. Edi harurot. Tapos di pa kami nakakalayo. Kamalas malasang namang p*kyu nayan namatayan kami bes. Mangiyak ngiyak nako. Todo padyak yung pamangkin ko. edi nilingon namin yung tao bayun pero parang hindi naman tao. Gagi tumayo. Papunta samin. edi lalo kaming nataranta. Hindi namin alam kung iiwan na namin yung sidecar at kakaripas na kami ng takbo o papaandarin eh. Gagi ang bilis maglakad tapos yung lakad nya pabaligtad. T*ng in* lahat na yata ng santo natawag ko umandar lang yung side car. iiwan ko na dapat sila kase malapit na talaga samin yung something nayun. Takte mura na ng mura yung pamangkin ko. Buti bago makalapit samin may lumabas na nakamotor dun sa bahay na di kalayuan sa pwesto namin. Tapos nung tinanong namin kung may nadaanan sya na tao nung papunta sya samin wala naman daw. Tang ina mula nun hindi na kami nagperya. Tiis nalang kami sa bahay t*ngin* . Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yun.

-IlokanangMaganda
201*
BSIE
NEU

Confessionsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें