45 "Balikan mo siya"

80 6 0
                                    

Post taken from//Fb page: DHVTSU Secret Files

Balikan mo siya

Bago ka manligaw nilinaw ko na ang lahat. Na no secrets, gusto ko totoo tayo. Na kahit gaano man kasakit o kapait ang nakaraan natin ay ishashare natin to sa isa't-isa.
Hanggang sa ikwento mo sakin si Chel yung first girlfriend mo, Na naging first mo sa lahat, 16 ka non noong makilala mo siya sa fb, naging magkachat kayo hanggang sa nagmeet kayo at dumalas ang pagkikita niyo at unti-unti kang nafafall sa kanya, kaya napagpasyahan mong ligawan siya, simple lang siya, mabait, tahimik, sweet at magaling magluto, halos tatlong buwan kang nanligaw sa kanya at sinagot ka niya, Noong mag 3rd monthsary kayo ay may nangyari sa inyo doon sa apartment ni Chel, ikaw ang nakauna sa kanya at siya naman ang nakauna sayo. (Napapangiti kapa nga habang nagkwekwento ka sakin)
Nasundan ito ng madaming beses, at wala namang nagbago sa relationship niyo, strong pa din kayo umabot pa nga kayo ng 1year e, Hanggang sa isang araw bigla nalang siyang nawalan ng paramdam, wala ka ng chat, text at call na natatanggap mula sa kanya, hanggang sa nagpasya kang puntahan siya sa tinutuluyan niya. Pero nalaman mo na dalawang araw na ang lumipas ng umalis si Chel at bumalik sa probinsya nila, lumipas ang araw, buwan, taon walang Chel na nakaalala sayo, blocked ka sa kanya sa facebook, sa tuwing tatawagan mo siya sa phone lagi kang pinapatayan, Gusto mo siyang sundan, Gusto mo siyang hanapin, Gusto mo siyang makasama ulit. Kaso wala kang pera hindi sapat yung naipon mong pera para puntahan siya dahil nag aaral ka ng panahon na yon, Nagkasya kana lang sa pagtingin sa litrato niya, litrato niyong dalawa. Ilang beses kapa ngang nanalangin na sana nabuntis mo siya, Na sana magkaroon ng way para balikan ka niya, para magkaroon ng pagkakataon na hindi na siya mawala sa tabi mo.
Sobra kang nasaktan, oo ramdam ko yon mahal. Ramdam ko yon habang nagkwekwento ka, ramdam ko na minahal mo talaga siya, Na kung bibigyan ka ng pagkakataon na makita siya ay alam kong babalikan mo siya.
Tinanong ko sayo ang pangalan niya dati sa facebook, noong una ayaw mo pang ibigay, Nag aalala ka na baka awayin ko siya dahil alam mong warfreak ako, pero noong nakulitan ka sa akin ay ibinigay mo din.
isenearch ko siya sa facebook, inistalk ko siya mula sa picture niya, Hanggang sa mapadako ang mata ko sa litrato ng isang batang lalaki kasabay ng caption na happy 3rd birthday C*** C********* yung apelido ng bata, ay apelido mo, Agad na lumakas ang tibok ng puso ko, Nawalan ako ng kulay tila tumigil ang pag ikot ng mundo, Yung mata ng bata, Yung ilong at labi niya, kamukha ng sayo, para kayong pinagbiyak na bunga, kahawig na kahawig mo siya mahal, Marami pa akong nakitang picture doon halos ang lahat ay sa bata. mula ng nasa sinapupunan niya ito (pic ng ultrasound) hanggang sa lumaki, Hindi ko to sinabi sayo mahal, Pasensya na ayoko pa kase e, Ayoko pa kase na bigla kang mawala.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naimessage ko siya, Ngayong alam kong baka iistalk niya din ako at malaman niya na nobya mo ako dahil sa mga post at tagged mo sa timeline ko, Kaya agad agad kong deactivate ang facebook ko, Messenger lang ang ginagamit ko para makachat ko si Chel, Tama ka mahal.
Mabait nga siya, Noong una medyo ilang pa kaming dalawa pero noong nagtagal ay para bang ang tagal na namin magkakilala, halos araw araw kaming magkachat. Nalaman ko na nasa manila siya, Nagtratrabaho siya sa isang kainan bilang cook at nanunuluyan sa isang apartment kasama ang anak niya, Lumipas ang ilang buwan mahal ay lihim akong nakipagkita kay Chel, lumuwas ako ng manila mahal, sa pagkakataong to nakita ko siya. Nakita ko yung anak mo at yung babaeng minahal mo na sa tingin ko ay mahal mo pa din hanggang ngayon, Matagal kaming nag usap at nagkasama ni Chel at ng anak niya. Para bang ang tagal na namin magkakilala, Hanggang sa kunyari ay nagtanong ako kung asan ang tatay ng anak niya.
Sinabi niyang nasa malayo daw ang tatay nito, 16 daw siya ng mabuntis ng nobyo niya, Noong nalaman niya na nagdadalang tao siya ay umalis siya at lumayo sa kanyang nobyo, ayaw niya daw kaseng maging pabigat siya sa nobyo niya gayong alam niyang nag aaral pa ito, gusto niyang maabot ang pangarap ng nobyo niya ayaw niyang maging hadlang siya at ang anak niya sa kinabukasan ng nobyo niya, kaya umalis siya kahit na mahal na mahal niya ito.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa imbitahan ko siya na minsan ay dumalaw sa probinsya natin, ayaw pa nga niya dahil malayo daw at wala siyang pamasahe kaya inabutan ko siya ng pera non, Noong una ay ayaw pa niyang kunin pero bandang huli ay napilit ko din, Natutuwa ako sa anak mo mahal, parang ikaw. Napapangiti nalang ako sa tuwing mahuhuli ko siyang pasimpleng sumisilip sa akin habang nagtatago sa likod ni Chel, Ang cute niya mahal kamukha mo, siguro ay ang saya niyong tingnan bilang isang pamilyang buo.
(Fastforward)
Birthday mo mahal, dinala kita sa isang restaurant, Tinakpan ko pa ng panyo ang dalawa mong mata, Hinalikan pa kita sa labi at niyakap ng mahigpit kasabay ng pag iyak ko, ito na ang huli mahal. Tinanong mo pa nga ako mahal kung bakit ako umiiyak, sinabi ko nalang na sobrang saya ko kase nakilala kita, Na siya namang ikinangiti mo, nakatago tayo sa labas ng restaurant kung saan madilim at walang nakakakita, habang ang mga mata mo ay may piring, napadako ang tingin ko sa loob ng restaurant, sa dalawang nakaupo, sa dalawang taong walang alam kung ano ang supresang naghihintay sa kanila, Sa dalawang taong alam kong mamahalin mo, Tinawag ko ang isa sa mga kaibigan mo at inutusang ipasok kana sa loob ng restaurant at nagpaalam muna ko sayo na may kukunin lang ako saglit, pero hindi mahal, naiwan ako sa pwesto kong yon, kung saan tanaw na tanaw kita, Andoon ako mahal, andon ako nung tinanggal mo ang takip mo sa mga mata, kung paano nagtagpo ang mata niyong dalawa, kung paano mo siya niyakap ng mahigpit, kung paano mo siya halikan sa labi, kung paano mo napagtanto na wala na ako sa tabi mo. Mahal, si Chel at ang anak mo.
Sila. Sila ang regalo ko sayo mahal. Matagal ko na itong pinag isipang mabuti, Mahal kita. Mahal na mahal pero hindi sapat yung pagmamahal ko sa kayang ibigay ng dalawang taong matagal na nangulila sa pagmamahal mo, Panahon na siguro mahal para bumawi ka sa kanila, Sa haba ng panahon na wala ka sa tabi nila, Aminado ako na masakit yung ginawa ko, Masakit na inilihim ko yon sayo, Masakit na set up ang pagkikita niyo, na parehas kayong walang alam, Masakit na simula noong araw na iyon ay hindi kana sa akin, Na ikaw ay sa kanila na.
Masaya na ko mahal, Masaya na ko na masaya ka sa piling nila. Masaya na ko na binalikan mo sila, balang araw ay mauunawaan mo din ako kung bakit ko ito ginawa. Lalayo ako sayo at hahanapin kung ano o sino ang para talaga sa akin. Tanga daw ako kase bat hinayaan kitang mawala at mapunta sa iba, gayong mahal kita.
pero isa lang ang laging sagot ko.
"wala ng mas sasaya kapag buo ang pamilya."

-FE

ConfessionsWhere stories live. Discover now