177 "Telepathy?"

39 1 0
                                    

//Fb page: UE Secret Files

TELEPATHY?

REMINDER: Nasa sa inyo kung maniniwala kayo sa kwento ko. This phenomena exists only between me and my mother and it's 100% real, proven and tested.

Sobrang close namin ng nanay ko since bata pa lang ako magpa-hanggang ngayon. Madalas kasi kaming mag-usap and never nawawala ang thoughts namin para sa isa't-isa.

And did I mention? BATA means noong nasa sinapupunan pa lang ako.

When I was in my mother's womb, sabi ng papa ko madalas daw syang tumingin sa tiyan nya then tatanungin nya si mama and ang response ni mama "KINAKAUSAP KO SYA". Then si papa naman, verbally nakikipag-usap sa akin sa by leaning his head sa tiyan ni mama. Pero si mama kakaiba; scientifically speaking, my mother used to communicate with me by brain-transmitting thingy; and the amazing thing is I respond every time she do so by kicks or often movements. Sabi din ni papa, sa 9 months daw na nasa tiyan ako, hindi daw ako kinausap ni mama verbal; she's just staring at her tummy and that's it. Ganun daw makipag-usap si mama sa akin.

Until lumabas ako, like any other ordinary scenario na umiiyak ako sa gabi dahil gutom, or bigla akong nagigising. Pag si papa ang nagpapatahan sa akin, sabi nya di daw ako tumitigil; but the moment daw na tumitingin sa akin si mama, tumatahan ako. Kahit daw bigyan ako ni papa ng gatas wala daw, pero pag si mama, isang tingin tatahan ako. According sa kwento nya.

The real phenomena is when I was in my childhood days.
Naalala ko nun, nagising ako isang umaga tapos naligo agad ako para pumasok kasi may moment na natatandaan ko na parang inutusan daw ako ni mama na maligo na habang sya nasa kusina naghahanda ng almusal.

And habang naliligo ako, naisip ko agad na nakalimutan kong magdala ng tuwalya noon kasi nga diretso agad ako sa banyo para maligo, tapos may nakasabit na na tuwalya sa gilid ng pinto namin after ko maligo tapos sabi ni mama sa akin: "Sa susunod magdala ng tuwalya anak ha?"

Eto pa isang scenario; nasa mall kami noon nila mama kaming apat lang. Then may nakita kaming children's playground bale nag-iiyak na kami kasi gusto namin dun and pumayag naman si mama and papa ko. Si papa lang ang naiwan sa amin noon na tumingin sa amin si mama kasi may bibilhin lang sa kabilang store katapat lang. Sa sobrang enjoy namin maglaro noon, super hyper naming dalawa ng kapatid ko; tipong reckless kung reckless play then may biglang nagsalita sa isip ko sabi: "Anak wag masyadong malikot."

Sinilip ko si mama sa labas and na-shookt ako noon kasi wala sya dun; then nakita ko sya sa kabilang store and tiningnan nya ako and may boses na naman ang sabi nya: "I'm always watching you anak."

Magmula noon, sinimulan ko nang tanungin si mama about dun, eh since bata pa, wala pa kong masyadong naintindihan kaya isinantabi ko muna.

Fast forward tayo noong high school ako...

Noong high school ako, aware na ako sa kung anong meron sa amin ni mama. Nakakapag-usap kami through our minds. Ni hindi ako nakaranas noon makahawak ng cellphone kasi nga nakakausap ako ni mama kahit saan.

It feels like I'm always being watched, I felt secured at nararamdaman ko yung alaga at aruga ng nanay ko kahit nasaan ako, kaya nailayo ako sa mga maling kaibigan at masamang impluwensya noong high school.

May time pa nga na kapag exam bubulungan ako ni mama saying: "hindi ko man alam ang sagot, pero alam kong kaya mo yan HAHAHAHAHAHA."

Then magre-reply ako ng: "Opo ma; alam mo namang para sa inyo 'to eh."
Mama: "Go, go, go anak!"

Hindi na kami nag-attempt ulit na magpa-check up kasi the last time na nagpa-check up kami about sa condition namin ni mama, walang naisagot sa amin ang doctor kung ano ba yun and hindi naman daw kami nakikitaan ng diperensya so okay lang.

Ngayong may sarili na kong pamilya, minsanan na lang kami mag-usap ni mama through our minds gawa ng medyo humihina na memorya nya. Plus matanda na rin kasi.

Sa ngayon, maayos naman kaming namumuhay ng sari-sarili naming pamilya. Minsan kakausapin na lang kami bigla ni mama tapos pinapupunta kami sa bahay nila and saying: "Miss ko na mga apo ko, daan naman kayo."

Bale yun lang po. Gusto ko pa po sana habaan ang kwento kaya lang busy ako sa trabaho. God bless sa inyo!

Engr. A
Graduated
2003
UEMnl
College

ConfessionsWhere stories live. Discover now