114 "Observant/Ang huling joke"

39 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Observant

"Sa Jeep, Hindi Maiiwasang may makakasabay kang:

Mag-syota na aakalain mong solo nila yung jeep na sobra kung maglandian. (Get a Room!)

Pasahero na kung Makaupo e akala mo nasa bahay lang nila at akala siguro sa upuan sa jeep ay sofa nila.

Babaeng nagpapakain ng buhok na feeling niya model siya ng conditioner. teh, jeep ho ito hindi pansitan atsaka busog pa ho ako!

Pasaherong kung makipagusap sa telepono e akala mo face to face sa sobrang lakas ng boses, na kahit wala kang pakealam sa buhay niya nalaman mo na. naging tsismosa ka tuloy.

Pasaherong insecure, na tumitingin sayo pataas at pababa.

Pasaherong nagbabasa ng text na aakalain mo para sakanya yung txt. (Daming ganito)

Higit sa lahat,

Ikaw na feeling mo ikaw ay bida NG ISANG MUSIC VIDEO NA UBOD KUNG MAKAEMOTE dahil sa dami ng iniisip. Alam ko, Maraming Ganito. hahaha

Saan Ka Jan?"

JeepneyQueen
1114
DMMMSU-NLUC

**********

Ang Huling Joke

"Sa LRT.

*Next station: Betty Go-Belmonte. Ang susunod na istasyon ay Betty Go-Belmonte.*

Joshua: Ayan, malayo pa naman. Magjo-joke muna 'ko.
Ako: Sige.
Joshua: May isang ngo-ngo na bumibili sa tindahan...
---
Ngo-ngo: Mamili nga mo ng smrayt.
Tindera: Sprite? Ilan?
Ngo-ngo: Isa.
*May dumaang sexy*
Ngo-ngo: Wooow. Memshi.
Tindera: Ano ba talaga, Sprite o Pepsi?
Ngo-ngo: Smrayt nga! Ang kulit!
---
Kate: Bilisan mo na yung joke! Malapit na!
Joshua: Oo eto na.
---
*May dumaan ulit na sexy*
Ngo-ngo: Wooow. Mepshi!!
Tindera (galit na galit at sinakal yung ngo-ngo): ANO BA TALAGA, Sprite o Pepsi?!?!
---
*Arriving at Betty Go-Belmonte Station. Paparating na sa Betty Go-Belmonte station.*
---
Ngo-ngo (habang nasasakal): Kok! Kok! Kok!

Bumukas ang pinto. Bumaba si Joshua ng tren habang tumatawa sa sarili niyang joke. Tawa rin kami nang tawa dahil Betty Go-Belmonte Station pa lang, sa Cubao pa dapat siya bababa. Sinubukan nyang pumasok ulit ng tren pero nasaraduhan na siya ng pinto. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi kumaway ng paalam sa amin at maghintay ng susunod na tren. Simula noon, nangangako na si Joshua na hindi na siya magjo-joke, ever again, sa LRT. Kok! Kok! grin emoticon"

Joker. -_-
2015
Polytechnic University of the Philippines

ConfessionsМесто, где живут истории. Откройте их для себя