50 "Open letter for my favorite almost"

64 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: Teens Secret Files

Open Letter for My Favorite Almost

First, gusto ko magsorry sa lahat-lahat ng pain na binigay ko. Sorry sa mga blame na ipinaako ko. Sorry kung palaging ikaw yong sinisisi ko kung bakit tayo palaging nag aaway. Sorry kung palagi kitang sinasabihan ng insensitive. Sorry kung yong sakit na nararamdaman ko lang parati iniintindi ko at hindi ko na kinuconsider yong mararamdaman mo. Sorry for being so sensitive to the point na ako na yong nagiging insensitive sa feelings mo. Sorry kung palagi ako yong unang gumi-give-up. Sorry kung palagi kong pinalalaki yong away natin noon. Sorry kung binitiwan kita ng hindi nagbibigay ng valid reason. Sorry kung ako yong unang sumira sa sarili kong pangako na may 'always' tayo.
Alam ko happy kana ngayon kaya dito ko nalang sinend ang dapat sasabihin ko sayo. Alam ko kasing ayaw mo ng mga ganitong drama. Pero gusto ko lang sanang malaman mo na nagsisisi ako kasi yong emotions ko yung pinairal ko sa pagdidesisyon. I know na magre-regret ako pagpinakawalan kita pero I didn't expect na ganito pala kasakit. Masakit marealize na mahal parin kita. Masakit kasi kasalanan ko kung bakit di na kita pwedeng balikan. Masakit kasi kahit gaano ko kagustong maibalik yong dati, hindi na pwede kasi ako yong nang-iwan. Ako ang di tumupad sa promise ko. Siguro ito na nga yong karma ko. Pero wag kang mag-alala, di ako magpaparaamdam. Di ko ipipilit ang sarili ko. Kasi alam kong ako yong mali at may kasalanan. Alam ko kasing hindi lahat ng iniwan mo, pwede pang balikan. Ang gusto nalang mangyari is sana dumating ang time na totally mapatawad mo 'ko. Yong pag nagkita tayo kaya na nating pansinin ang isa't isa. Hindi yong parang hindi tayo magkakilala. 'Yong parang wala man lang tayong pinagsamahan.
I'm hoping na sana ma-achieve mo lahat ng goals at dreams mo. Happy na ako na makita kang masaya. Please allow me to say I love you for one last time.

PS: Hindi naging kami pero vocal kami sa feelings namin. Yong ng a-Iloveyou sa isa't-isa pero walang label. Yong typical na, 'tayo na parang hindi', MU kumbaga. I know marami ang magju-judge sa akin but I have my reasons.

Your Almost

ConfessionsWhere stories live. Discover now