44 "Akala ko sya lagi ang mali"

77 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: DHVTSU Secret Files

"AKALA KO SIYA LAGI ANG MALI"

"May mga bagay na ang hirap paniwalaan lalo na kung galing  ito sa taong minsan kanang  sinaktan, niloko at ginago. Oo mahirap, Sobra yung tipong lahat ng sinasabi nya hindi mo kayang paniwalaan dahil nakatatak sa puso at isip mo yung nagawa niyang mali sayo? Oo, biktima din ako ng lalaking manloloko ""noon"" na ang akala ko wala ng chance para magbago. Pero ngayon araw na to, Napatunayan ko mismo sa sarili ko na MALI ako, Mali ako dahil nagpadala ako sa emosyon at kung anong dinidikta ng isip ko sa taong mahal ko na totoo ng nagbago. Na mali ako dahil sa tuwing may nakikita akong ka chat nyang ibang babae ay nagdududa na ako na baka ano nanaman kahayupan yung gagawin nya, Na sa tuwing napapatingin sya sa ibang babae ay may binabalak nanaman sya, Na sa tuwing may kasama syang ibang babae ay ano nanaman maling gagawin nya. Pero mali ako kasi yung lalaki palang bumalik saaken at humingi pa ng isang pagkakataon ay totoo ng nagbago. Oo sa maniwala kayo sa hindi ako mismo napatunayan ko iyon sa sarili ko.

Nakabukas ang instagram account nya sakin lahat ng account nya honestly, then habang busy ako ng titingin ng pictures may nag message sakanya galing sa isang babae na mukang pokpok at haliparot, dahil kulang nalang ay i post nya sa social media yung buong katawan nya na nakahubad, Ang sabi ng babae ay ""Babe, Send now"" I was shocked that time kase naisip ko na eto nanaman, ayaw konang masaktan. So nagdecide ako na pumunta sakanila at kausapin siya. Pinakita ko yung chat nung babae at pinagexplain ko siya sinabi nya lahat, pero may tumutulak saakin na wag ako maniwala dahil nagsisinungaling lang siya, Pinagsusuntok ko siya pero eto lang sinabi nya ""Sige kung nagpapagaan ng loob moyan okay lang"" Yinakap niya ako at pinapatahan na at sinabing ako lang yung mahal niya na ayaw kong paniwalaan dahil akala ko nagsisinungaling siya but i was wrong. Yes mali ako dahil chinat ko yung babae sinabi na kungwari bf ko yung kachat na. Ang sabi ng babae ""Wala naman tayong chat ah"" ""Diba sinabi mo ayaw mo dahil may GF ka"" Nanlambot ako, at parang dinurog yung puso ko. Kase totoo pala lahat ng sinasabi nya. Nastock lang ako sa pagiisip ko sakanya na everytime na may ganong ganap eh niloloko na nya ako pero hindi, Yung babae yung pumipilit sa bf ko na magsend siya ng nudes pictures na hindi naman niya ginawa. Oo at nung oras na yun yinakap ko siya at humingi ng tawad. Dahil akala ko wala ng matinong lalaki sa mundo pero nagkamali ako meron pa kung gugustuhin lang nila magbago talaga.
Sadyang may mga babae lang talaga na makakati sa mundo na kahit  alam na nilang may gf na yung tao nagagawa pa nilang manira ng relasyon.

Hindi ako dito nag aral pero dito nag aral ang bf ko College of Education, at Psychology major naman ako sa ibang school tapos nakami pareho. To my future teacher💕 Thankyou for everything. Iloveyou so much😘

P.S. Minsan subukan muna natin makining sa sinasabi nila, Oo nakakawala na ng tiwala pag linoko kana pero malay mo nagbago na pala talaga siya ayaw lang talaga natin maniwala.
At nung araw din nayon bumalik ang buong tiwala ko sakanya.

Julia Barreto

ConfessionsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt