41 "Can be go back to what we used to be? Part 2

60 3 0
                                    

Post taken from//Fb page: DHVTSU Secret Files

Can We Go Back to What We Used to Be? -Part 2

"Hello readers. Sorry po kung pinutol ko pa. Masyado kasing mahaba baka tamarin kayo magbasa. Isa-sumarize ko na ng maige para matapos ko.
Year 2014. After ng ilang araw, naka-receive ako message from Gino (boyfriend ng ate mo) saying ""Sorry sa nangyari. Kung sakaling may mabuo, sabihan mo lang ako at hindi  ko tatalikuran responsebilidad ko."" Pinatay ko yung phone ko at tinago sa drawer.
Para malibang, nagtrabaho ako at napunta sa kung saan-saan.
Year 2016. Nag-aral ako ulit.
Year 2017. Sem break. Umuwi ako sa amin. Dahil sa inip naisipan Kong mangalkal, at nakita ko yung phone ko. Noon ko lang nabuksan ulit yung dating account ko. Nakita ko sa 'people you may know' yung pangalan mo. Inistalk muna kita bago add. Naka-graduate ka na at mukhang maayos na ang trabaho. Naisip kong magsorry sayo para mabawasan yung guilt ko. Sakto namang online ka kaya na-accept mo agad. Pero wala naman akong nasabi kundi 'Hi. Kumusta?' Sumagot ka naman ng maayos, at nag-usap tayo ng maayos na para bang walang nangyari 3 years ago. Kaya hindi ko alam kung paano magsosorry sayo. Nakachat kita na parang simpleng magkakilala lang. Hanggang naglakas-loob ako na makipagkita sayo.
December 21, 2017. Tatlong oras akong naghintay pero mukhang ininjan mo lang ako. Siguro hindi pa yun sapat na kabayaran sa nagawa ko. Umuwi na lang ako, pero naroon ka sa tapat ng gate namin, lasing na lasing.
Y: Anong sasabihin mo?
M: Saka na tayo mag-usap, lasing ka.
Y: Di ako lasing.
Tinalikuran na kita.
Y: Tulad ka pa rin ng dati, walang kwentang kausap!
M: Sorry, kung wala akong kwenta.
Y: Oo, wala ka talagang kwenta!
M: Galit ka pa ba sakin?
Lumapit ka sa kin at hinila ako paharap sayo.
Y: Galit ako sayo. Galit na galit ako. Alam ko wala akong karapatan kasi hindi naman tayo. Ang sakit lang kasi mahal na mahal kita that time. Mahal na mahal kita pero nagawa mong makipags*x ka iba! Nakakat*ngina kase ako dapat yun! Nakakaput*ngina kase ako yung nagmamahal sayo, ako yung sumundo sayo sa bahay nyo, ako yung dahilan kung bakit nandun ka pero iba yung kasama mo!
M: Sorry.
Y: Ano bang kasalanan ko sayo at kinaya mong makipags*x sa iba? Sa mismong bahay ko pa, at kitang-kita ko pa!
M: Sorry. Sorry.
Pumasok nako sa bahay, at gaya ng dati, iiwas na naman ako. Yung pagso-sorry na akala ko dati makakapagpagaan ng pakiramdam ko, lalo lang palang makakadagdag sa guilt na nararamdaman ko. Hindi ka na nagparamdam after that night.
January 2018. Pabalik nako sa boarding house. Paglabas ko ng bahay, may nakaparadang kotse sa tapat namin at bumaba ka. Nagpresinta ka na ihatid ako. Pumayag naman si mama para hindi na ako mag-comute.
Y: Nagparamdam ka na naman, tapos bigla ka na namang eexit sa buhay ko ng walang paalam.
M: Galit ka sa kin diba.
Y: Oo, galit na galit.
M: So kaya ako umiiwas para hindi ko na maramdaman ang galit mo. Kaya kung hindi mo pa ko napapatawad, wag na lang tayong mag-usap. Tigilan na natin to! Di na kita guguluhin, wag ka na rin nagparamdam sakin.
Y: Mahal kita.
M: Ha?
Y: Galit ako sayo pero mahal na mahal pa rin kita!
Hindi ko alam kung panliligaw na ang tawag sa ginagawa mo simula noon. Madalas na kitang nakaka-chat. Minsan makwento ka, minsan caring, pero madalas dry. Kaya alam ko na galit ka pa rin sa'kin. Pinupuntahan moko minsan sa boarding para mamasyal, pero madalas pa rin tayo dumating sa point na sabay tayong matatahimik. Ni hindi ko mga maalala na tumawa tayo ng wagas.
Tuwing kausap kita, maraming mga tanong ang pumapasok sa isip ko. Kung what if noon pa lang sinagot na kita, magiging masaya kaya tayo?  O kaya naman ay pwede pa ba?
Nararamdaman ko na mahal mo pa rin ako pero galit ka pa rin. At ako, mahal din kita pero andito pa rin yung guilt ko. Hindi natin alam pareho kung paanong paghihilumin yung mga sugat natin. Lalong-lalo na ako. Naniniwala ako na mas mahirap kalimutan ang guilt kesa galit. Lalo na't nagawa ko ay yung pinaka-matinding kasalanan na pwedeng magawa ng babae sa isang lalaki. Kaya naman hindi nako umaasa na maibabalik pa natin yung dating tayo. Kaya naman unti-unti na akong lumalayo, at pinag-aaralan na walang ikaw.
P.S
Hi, RCC. Siguradong kapag nabasa moto, malalaman mong ako to. Salamat at nagkaroon ako ng ikaw sa buhay ko na hindi ko pwedeng angkinin. Matagal ko ng tinanggap na wala na, na sinayang kita. Hindi na natin kayang maging masaya nang magkasama. And for the second time around, I'm letting you go. I love you, goodbye."

Broken Piece
s Bulacan State University

ConfessionsWhere stories live. Discover now