Special Chapter 40 : The Victory Party

Start from the beginning
                                    

“Bitch!” sigaw niya. Halatang pikon na pikon sa akin. “Anak sa labas! Anak ka ng kabit!”

Mabilis sanang lalapit sina Annie at Jorj pero itinaas ko ang kamay ko para pahintuin sila.

Laban ko si Patty.

And she can say all the nasty things about me, I will never ever get affected by that anymore.

Sino ba siya siya buhay ko? She did not matter to me, ergo, I did not care what she says about me.

At saka totoo naman ang sinabi niya. Anak ako sa labas. Anak ako ng isang dating kabit.

So? That did not hinder my Bobby or the gang to love for who I am.

Dahan-dahan akong umupo ulit at inilapit muli ang paa ko sa kanya. “In this room and at this very moment, you only have two choices : Ask for forgiveness with remorse from all of us, especially to Dezi or kiss my foot. Otherwise, suffer the consequences.”

“In your dreams, bitch!” she answered, full of hatred.

Isinuot kong muli ang sapatos ko at tumayo. “Then suffer the consequences.”

“Mayabang ka dahil kakampi mo sila!”

Hinarap ko si Patty. Mata sa mata. “Lalabanan kita hanggang sa huli kong lakas kahit wala ang buong gang. Hindi kita aatrasan. May pera rin ako, Patty. At kaya kong magbayad ng mga private investigators para siguraduhin kung totoong disente nga ang pamilyang ipinagmamalaki mo. Everybody has skeletons in their closet. Mine is out of the closet so, wala na akong itinatago. Sa inyo kaya, hmm?”

For one fleeting moment, I saw fear in Patty’s eyes. She clenched her fist at her both sides.

Napakunot ang noo ko. I was just bluffing pero mukhang may natumbok ako.

Mukhang may skeletons nga sa closet nila ang mga Rivera.

Ano kaya iyon? I was curious to know.

Ilang segundong nagtama ang mga tingin namin ni Patty. Siya, naglalabas ng galit at pagkamuhi para sa akin mula sa mga mata niya.

Ipinapakita ko namang bored na bored na ako. “You’re wasting my precious time, Patty…”

Then finally she spoke.
“I would rather kiss the filthy foot of a mistress’ daughter than ask for forgiveness from all of you--“ Panduduro niya sa lahat hanggang magtapos sa akin. “Wala akong kasalanan sa inyo!”

Tinapik ko ang kamay niya. “The holier than thou Patty!” I said full of sarcasm.

“I hate you!” Para siyang dragon na naglalabas ng apoy.

Umupo ako at dahan-dahang tinanggal ang sapatos ko. “Kiss my foot then…” walang emosyon kong sabi.

Patty’s face was now void of expression. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko.

The room went quiet. Parang lahat kami ay pigil ang paghinga.

Gagawin kaya ni Patty.

At papayagan ko bang gawin ito?

I glanced at Miranda. Nanghihingi ng opinion sa best friend ko. Ang taong pinagkakatiwalaan ko at lagi akong binibigyan ng tamang desisyon sa buhay ko.

But she gave me a ‘bahala ka na’ look.

The decision was mine.

It gave me confidence.

I wanted to do this. I really, really wanted to do this to give Patty her own karma.

Because I, Ashley Grace Lim, was Fatima Rivera’s kama.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now