Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully

Start from the beginning
                                    

“So, nagsisinungaling na naman ako? Kung sinungaling na kaming lahat para sa ‘yo, ano ka? Isang santa?” Sinundan ko ng isang nang-uuyam na tingin ang sinabi ko.

“And you’re one lying b--“ Before Patty could utter that word, self-control took over her.
Na-realize niyang makakasira iyon sa depensa niya. Marami kasing makakarinig.

Sayang. Pero may pagkakataon pa para inisin si Patty at magwala sa galit. Na-realize kong kapag galit siya, sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Wala na siyang pakialam pa kung sino ang makarinig.

“Alam ni Mang Tonio ‘yun,” sabi ko. May paghahamon sa boses ko.

“And I think, though I am not lawyer,” singit ni Lance sa seryosong tinig. “Yet,” mabilis niyang dugtong. “That we’ve heard enough. I will definitely consult my Tata about this thing.” Nasa tono niya ang pagbabanta.

Napasuklay sa buhok si Arsenio nang marinig ang sinabi ni Lance.

Sarkastikong tumawa si Patty. “I’m not scared,” matapang niyang sabi at binalingan ako. “At sa tingin mo ay masisinungaling si Tonio para sa ‘yo, Ashley? Ilusyonada ka…”

“Hindi,” walang emosyong sabi ko. “Pero baka magsinungaling siya para sa ‘yo. After all, amo ka niya.”

“But how about you making utos to me to take some pictures of Rome and Ashley during their coffee date?” singit ni Dezi sa kanyang maarteng boses. Gumagalaw-galaw pa ang kanyang mga ulo habang mataray na nakataas ang isang kilay.

Thank God for Dezi, she made me smile. She was so consistently maarte na kahit puno na ng tensyon ang paligid ay coño pa ring magsalita.

“And you making me kulit to post them in my blog until I gave in to your utos because you reminded me of my utang na loob to you because your dad helped my dad?” maarte pang dagdag ni Dezi.

Nakahawak si Dezi sa dibdib niya. Alam kong kinakabahan siya. And to stand up in this time against Patty was something.
Alam niyang sumosobra na si Patty.

Patty narrowed her eyes on Dezi. “Granting, I did tell you that…” Binigyan niya ng isang nang-uuyam na ngiti si Dezi. “But why did you do it? You have a mind of your own. ‘Wag mong isisi sa akin ang pagiging uto-uto at tanga mo, Dezi!” 

Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa hantarang pang-iinsulto ni Patty kay Dezi.

Andrew was the first to react. He slammed his fist on the table. “Ininsulto mo na ang lahat ng tao rito, Patty. At wala kang karapatang gawin ito. I can’t and won’t tolerate it anymore,” he warned, his face grim. “Do it one more time, just one time… And I will let our security throw you off our building.”

Hindi ko nakita ang ganitong side ni Andrew. Ngayon lang.

Binalingan ni Andrew si Dezi. “Are you alright?” he fondly asked.

Marahang tumango lang si Dezi na shocked pa rin sa na-witness.

Tinapik ni Jacob si Andrew sa balikat, pacifying him. Pagkatapos ay sunod niyang binalingan si Emil. “Please teach your daughter some manners, Sir…” salubong ang mga kilay na sabi ni Jacob.

Galit na tumayo si Arsenio at hinarap ang anak. “Jesus Christ, Emil, you’ve raised a monster!” galit na akusa niya sa anak. “Hindi ganyan ang pagpapalaki ko sa inyo. Bakit ganyan mo pinalaki ang anak mo?” Pulang-pula ang mukha niya sa galit.

Natatakot, hindi lang ako kung hindi kaming lahat na baka atakehin siya sa puso sa sobrang galit.

Humarap si Arsenio kay Don Jacinto. “Ako na ang humihingi ng dispensa para sa inaasal ng apo at anak ko, Arsenio. I will not tolerate this, either.“

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now