Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully

Magsimula sa umpisa
                                    

“How?” Emil asked exasperatedly.

Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Don Jacinto.
Then he sighed. “We’ve heard your daughter's revolting and aggravating words towards Ashley. Can we hear Ashley’s side now? For fair judgment?”

“Magsisinungaling lang siya!” gigil na sabi ni Patty.

I stood up. It was about time that I stand up. For myself. I was touched that my friends were here for me, ready to protect me.

But I need to stand up for myself. For my mom and Tita Liezel. For my family no matter how dysfunctional it may be.

I had to protect them, too.
Pinoprotektahan ni Emil ang walanghiya niyang anak, kailangan ko ring protektahan ang mommy ko at si Tita Liezel.

Totoong nagkamali sila pero matagal na nilang pinagsisihan, pinagbayaran at itinama ang mga pagkakamali nila.

At pagsisisihan ko kapag hindi ko sila ipinagtanggol, lalo na sina Mommy at Tita Liezel na ilang beses nang nilibak ni Patty.

“With all due respect, Don Jacinto--“

"Drop the formalities, hija,” Don Jacinto cut me off, smiling. “You can call me lolo. You’re my grandson’s friend. At lahat ng kaibigan ng apo ko ay itinuturing ko na ring apo.”

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa mag-amang Patty at Emil.

“With all due respect, Lolo Jacinto...” I said with fondness upon mentioning his name. Andrew was lucky to have such an amazing grandfather. Pagkatapos ay nilibot ko ng tingin ang buong angkan ng Rivera na nasa harapan ko. Nagtapos ang galit kong tingin kay Patty.

If only looks could kill…

“Narinig na ninyo ang mga pang-iinsultong sinabi ni Patty sa akin na nag-udyok sa akin para sampalin siya,” I continued in a controlled anger. “Those were exactly her words. Actually, kulang pa nga.” Itinaas ko ang isang sulok ng bibig ko. “Baka may gusto ka pang idagdag sa sinabi mo, Patty?”

Ilang beses na akong ipinahiya at pinagsalitaan ng masasakit ni Patty.

Punung-puno na ako.

“Sinungaling!” Patty was already hysterical. “I never said anything bad to you. You just slapped me for no reason at all.”

“At wala kang pruweba na may sinabing hindi maganda sa ‘yo ang anak ko bago mo siya sinampal,” pagtatanggol pa ni Emil sa anak niya.

“Oh, yeah, Patty?” How about you putting some sleeping powder in my coffee that same night?” gigil na singit ni Bobby.

Lahat ng mga naroroon ay nanlaki ang mga mata, including Emil. Hindi nila alam ang tungkol dito.

Isang masamang tingin ang ibinigay ni Patty. “Isa ka pang sinungaling, Bobby. Huwag kang gumawa ng kwento. Magsama kayong dalawa ng girlfriend mong sinungaling.” Her words were raging with anger.

“Alam mong hindi ako gumagawa ng kwento, Patty. Becca saw what you did. Siya mismo ang nagsabi sa akin.” Bobby’s dreamy eyes were filled with anger.

“Then Becca’s just making up stories,” balewalang sabi ni Patty.

“Eh, ‘yung pinuntahan mo ako sa bahay namin para awayin?” hamon ko sa kanya.

Inilalabas na namin ang lahat ng baho niya.

Patty raised an eyebrow. “Pinuntahan kita sa inyo? You must be hallucinating, Ashley. Why would I do that. My time is precious--“

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon