Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang kwento ng tagumpay.

"Gusto kong ipatikim mo sa Patty na 'yun ang nararapat lang na ganti sa mga pinagsasasabi at ginawa niya sa 'yo," ani Tita Liezel na nanggigigil habang wala sa sariling inaayos ang suot ko.

Napangisi ako. "Leave it to me, Tita," mayabang kong sabi.

Alam ni Tita Liezel ang lahat ng mga ginawa at sinabi sa akin ni Patty na idinamay pa silang dalawa ni Mommy. She felt guilty. Kung hindi raw siya kumabit kay Congressman, hindi siya magiging dagdag sa putik sa pangalan ko.

Lalo pa ngayon na ang cute na doctor na kinukuwento niya ay na-turn off sa kanya nang malamang naging kabit siya ng isang pulitiko.

Lalo siyang na-down.

I cheered her up. Sinabi kong walang kwenta ang lalaking iyon, gaano man siya ka-cute, kung hindi niya kayang tanggapin ang nakaraan niya.

"Gusto kong ipahiya mo siya," sulsol pa sa akin ni Tita Liezel.

Napangiti ako. Magkapareha kami ng ugali ni Tita Liezel. Pareho kaming benggadora.

I playfully winked at her. "Consider it done."

Natawa siya nang malakas. "Pamangkin nga kita." Hinila niya ako sa kamay. "Halika na, kanina pa naghihintay sa 'yo ang gwapo mong boyfriend."

Nagpatianod ako sa paghila niya.

"Swerte-swerte mo talaga. Akalain mong nakatisod ka ng tulad ni Bobby." May inggit sa boses niya.

"Hoy, Tita, deserve ko siya, 'no!" natatawa kong sabi.

Ngiti lang ang isinagot niya. Pero nakita kong hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

Ipinagdadasal ko ring sana ay 'makatisod' si Tita Liezel ng lalaking magmamahal sa kanya sa kabila ng pangit niyang nakaraan.

Pababa ako nang hagdan ay agad na nagtama ang paningin namin ni Robert Aldus.

Our stares for each other were full of warmth.

Sexy dreamy met my gaze.

And it took my breath away.

He was so dazzlingly handsome in his tux.

Agad na tumayo si Robert Aldus mula sa pagkakaupo sa sofa. He was always like that. Agad na tumatayo kapag nakita ako. Feeling ko ay isa akong royalty na dapat bigyan ng pagpupugay.

Here was my rock--loving and understanding. A steadying strength who was and would always be there for me.

Silence stretched between us, just looking at each other--him giving me a long intense look.

Ako ang unang bumasag ng katahimikan.

"Well?" I said, as if asking for his approval, but not breaking our eye contact.

"I really have to do this..." he said, almost a whisper.

Then he cupped my face and gave me a soft but long kiss.

I voluntary lifted my head to catch his sweet kiss.

"'Tang 'na, nang-inggit pa!" tili ni Tita Liezel.

After his kiss, he lovingly looked at me. "You're so mesmerizingly beautiful that I had to kiss you. I shouldn't definitely miss the chance."

I pursed my red lips. Kilig.

"I know," full of confidence kong sabi. I touched the side of his face. "Let's go? I don't want to be late for our important 'revenge of Ashley Grace' meeting.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon