Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help

Start from the beginning
                                    

Nagkatinginan kami ni Becca. Tila nagkakaintindihan kami sa iisang dahilan na alam namin.

Para hindi mo makausap si Ashley,” Becca answered. “Iyon lang ang naiisip kong dahilan.”

Iyon lang din ang naiisip kong dahilan. Kasi sobrang nagseselos siya kapag nakikita niya kaming magkausap at magkasama ni Bobby kaya gumagawa siya ng paraan para hindi mangyari iyon.

And at that very moment I felt so low that I needed my Bobby and I thought he was not there for me. So, I easily accepted Rome’s invitation despite Cobi’s warning in my head.

Pinatulog pala ng isang gaga at may sayad sa utak na si Patty ang Robert Aldus ko.

“Fuck!” mahinang mura ni Bobby. Salubong na ang mga kilay niya. “Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?” May halong panunumbat ang boses ni Bobby.

Ayoko ng gulo,” sagot ni Becca. “Sabi ko sa sarili ko, I am just here to study, that’s it. Kung anuman ang gulo n’yo, gulo n’yo lang ‘yun. Ayokong madamay. Patty looks like a trouble in the making kapag binangga siya. Ayokong makigulo pa sa inyo. Eh, pero nagi-guilty ako dahil mabait ka sa akin. Inaalalayan mo ako rito sa Manila kasi alam mong nag-iisa lang akong nakikipagsapalaran. You’re a good friend to me. Swerte akong nakilala kita rito at kinaibigan ang isang probinsyanang katulad ko kahit na rich and famous ka pala.” Sinundan niya ng ngiti ang sinabi, attempting to ease Aldus’s irritation.

Just like Dezi. Takot silang banggain si Patty. Puwes ako, hindi. Isang malaking HINDI.

Tumingin siya sa akin at marahang hinampas ang kamay ko para makuha ang buong atensyon ko. “Don’t worry, unlike Patty, I am not infatuated with Bobby. I have a boyfriend in Surigao and we’re coping with our LDR.”

“Masyado kasing mabait at gentleman itong si Bobby kaya maraming infatuated,” dagdag pa niyang biro. Pero bigla ring nagseryoso. “But after that ‘coffee’ incident, I am in vigilant-mode na. Though, maybe Patty meant no harm--“

Meant no harm?!” ulit ko habang nandidilat ang mga mata. “Are you fucking kidding me, Becca?”

Wala siyang idea sa kung anu-ano na ang mga pinaggagagawa ni Patty sa akin.

“I mean, she meant no harm, regarding the ‘coffee’ incident. Gusto lang niyang makatulog si Bobby para hindi kayo magkausap,” esplika ni Becca. “Lumampas lang siya sa boundary.”

Lihim akong napangisi. Wala ngang idea si Becca tungkol kay Patty.

“But after that, lagi ko nang binabantayan si Bobby sa kanya. Watching her every move. Nakakahalata na nga yata siya kaya medyo nag-mellow down nitong mga huling araw.

I smirked. “Nag-mellow down?” sarkastiko kong ulit. “Nag-full force na nga eh.”

Ngali-ngaling ikwento ko na sa kanila ang engkwentro namin ni Patty kahapon. Siguro ay lalong magagalit si Robert Aldus ko sa kanya.

Becca sighed. “Hindi ko alam na nagkaengkwentro kayo ng gabing tulog kaming lahat. And I, personally, had no idea na may balak siyang ganito laban sa ‘yo until Bobby spilled it out to me. And for me, now is the time to help my dear friend Bobby.” Hinimas niya sa braso si Bobby. “Problemado kaya siya sa kasong gustong isampa sa ‘yo ni Patty.”

I glanced at Bobby. Dreamy eyes met my gaze. “Pinoproblema mo siya? Ako nga, hindi.”

Sexy dreamy eyes scanned my face. “A criminal case is a serious matter, Ashley Grace,” seryoso niyang sabi. “At gusto kong naayos ko na ang gusot sa problema bago pa makarating sa ‘yo. I won’t let you deal with it alone. You have me.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now