Special Chapter 20 : Cobi's Warning

Start from the beginning
                                    

‘Tang ‘na! Ngayon niya sabihing wala siyang gusto sa Bobby ko.

But me being mapang-asar, I giggled, a little exaggeratedly and pinched Bobby’s cheek. Gusto kong ma-witness ni Patty ang public display of affection kong iyon.

Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang nang-aasar ang hagikgik ko na iyon.

Ewan ko na lang kung kilala na ako ni Patty. Kung hindi pa, handa akong ipakilala sa kanya ang tunay na Ashley. O maging ang dating Ashley. The Notorious Ashley.

“Itaas mo ‘yung paa mo, Patty. Naaapakan mo ang mahaba kong buhok.”

“Oo nga, eh,” matipid niyang sabi. “You’re such one lucky girl.”

And I heard it. The sarcasm in Patty’s voice.

Pumormal ang mukha ko. “Indeed, Patty. At wala akong balak na pakawalan pa si Robert Aldus ko.” Humilig ako sa balikat ni Bobby. “I am ready to fight for him, eye for an eye. Tooth for a tooth.” Ngumisi ako at diretsong tiningnan si Patty.

I hope Patty gets the underlying message in my words. Para wala ng gulo.

Si Bobby ay napakamot na lang sa batok. He was already uncomfortable. Dinig na niya ang inis sa boses ko.

Pumormal ang mukha ni Patty. “Hinahanap ka na nila sa itaas, Bob."

“Nagpaalam ako kay Francis that I’d see Gracie,” sagot ni Bobby. “Hindi pa naman niya ako hinahanap.” Sinundan ni Bobby ng ngiti ang sinabi.

Bobby looked so tired to argue kaya naman tumayo na ako at hinarap si Patty. “Kabababa lang niya, Patty.” Wala na ang ngiti sa labi ko.

Kung makaasta si Patty ay para siyang kagrupo ni Bobby na nalalamangan sa gawain.

Patty let out a sigh. “You have to understand, Ashley, that Bobby and his groupmates are doing an important report to be submitted tomorrow morning. Hindi siya dapat naiistorbo.”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. But Bobby’s hand was already clasped with mine. Isang paraan niya para mapigilan akong sugurin si Patty. Tumayo siya at inakbayan ako.

“Oh, I clearly understand, Patty. But you also have to understand that they have to have at least a fifteen-minute break to rest. Ginagawa n’yo rin ‘to ng mga ka-groupmates n’yo kapag nangangarag na kayo ‘di ba? Bobby deserves a fifteen-minute break—a beautiful fifteen-minute break like me.” Ngumiti ako kay Patty nang matamis at saka ko ibinaling ang tingin ang kay Bobby.

Mas nilandian ko ang tingin ko kay Bobby. Para patayin sa inggit si Patty.

‘Tang ‘na ang epal lang!

“And besides, kabababa lang niya, like, mga five minutes ago nang umentra ka,” mabilis kong sabi bago pa maibuka ng impakta ang bibig niya. “Nauubos na nga ang fifteen-minute break niya sa kasisingit mo sa pag-uusap namin. Hindi ko nga alam kung bakit narito ka at nakikipuyat gayong hindi mo naman sila ka-group. Don’t you have works or assignments to do? Or better yet, sleep,” mataray kong sabi.

Para namang natigilan si Patty sa tono ng pananalita ko.

She swallowed and cleared her throat. “I’m sorry. I’m just worried kasi baka hindi ninyo matapos ang report.” It was directed towards Bobby again.
Deadma na naman ako sa impakta.

Bobby sighed. “I understand, Patty. But I am the leader and I am taking the responsibility. Nagkape lang naman ako. I am sure, nagpapahinga rin sina Francis sa itaas. But thank you for your concern.” Nginitian ni Bobby si Patty.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now