Special Chapter 19 : The Brewing Conflict

Start from the beginning
                                    

Nginangatngat na ng inis ang kalooban ko. Parang may anghel at demonyong naglalaban sa utak ko. The devil was telling me na dapat akong mainis dahil nagagawa na akong paghintayin ni Bobby gayong dati ay hindi naman. Pero sumisingit at nakikipaglaban ang anghel na hindi ako dapat na mainis dahil ngayon lang naman ito at dati-rati rin naman ay si Bobby ay matiyagang naghihintay sa akin. At isa pa, maganda naman ang rason ni Bobby dahil pag-aaral naman ang dahilan at hindi ibang bagay tulad ng ibang babae.

The angel won. It calmed the irritation building up inside me.

I pressed his number pero nauwi rin sa busy line dahil hindi niya ito sinagot.

ROBERT ALDUS HIPOLITO GALLEGO! I texted him.

Napahilamos ako sa mukha at naiinis na ibinato ang cellphone ko sa passenger seat.

Pero tumunog ito at dali-dali kong dinampot muli. Napangiti ako. Natakot siguro si Robert Aldus sa all caps at ma-intense kong text sa pangalan niya.

Much to my dismay, it was not my Robert Aldus.

It was a chat message from Rome del Mundo.

Rome : You crossed my mind. Hope you are doing okay.

Kasunod niyon ang isang smiley emoji.

Kumunot ang noo ko. Nararamdaman ba ni Rome kapag hindi ako okay? Madalas kasing nagra-random message siya sa panahong inis ako.

Was there a strange connection between us? I dismissed that stupid thought. No way. Rome was just a random guy whom I met at a random party some years ago.

Me : I'm okay. Thank you.

I replied out of courtesy.

The guy was just being a friend to me. Isang kaibigang nangungumusta.

Rome : Sure? May pagkasinungaling ka pa naman, magandang batang masungit.

There was a laughing emoji after that message.

It made me smile. Kapag tinatawag niya akong magandang batang masungit ay hindi ko magawang mainis dahil biglang sasagi sa isipan ko ang kabutihang ginawa niya sa akin years ago.

Me : Sure. May pagkasinungaling ako pero this ay nagsasabi ako ng totoo. I am doing fine.

Was I really doing fine? Hindi ba at naiinis na ako kay Robert Aldus sa pagpapahintay niya sa akin?

Rome : Okay. I believe you. Where are you by the way?

Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?

I did. Pampatay ng pagkainip habang naghihintay sa boyfriend kong pinaghihintay ako.

Me : Waiting for Bobby at some street near HFU, I replied.

Me : Thirty minutes na nga akong naghihintay sa kanya.

At pinagsisisihan kong sinabi ko pa iyon. Pero huli na dahil nakita kong na-'seen' na niya ang message.

Rome : Ahhh...

Rome : Pwede kitang samahang maghintay thru chat para hindi ka mainip. Gamitin mo akong pampatay ng pagkainip sa paghihintay. I am more than willing.

I smiled. Nagpapaka-charming si Rome del Mundo.

Me : Hindi ko kailangan ng kasama. At kung kailangan ko man, hindi ikaw ang gugustuhin kong makasama.

Rome : OUCH! Sakit naman nun.

Rome : Taray talaga.

Rome : Parang nabuhay yung flaming arrow tats ko at tumusok sa puso ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now