Special Chapter 19 : The Brewing Conflict

En başından başla
                                    

Iyon na lamang ang pinagtutuunan ko ng pansin at hindi ang mga negative feelings na nararamdaman ko lalo pa at nariyan lang sa tabi-tabi si Patty.

Nakakabahala lang na nariyan lang ang ahas sa tabi-tabi at handang manuklaw. Mabuti na lang at sigurado ako na hindi ang tipo ni Bobby ang nagpapatuklaw sa ahas. Iyon na lang ang panghahawakan ko.

Katulad ngayon. Alas diyes y media na ng gabi ay pabiyahe pa ako papunta sa condo building kung saan naroroon ang unit ni Francis. Bobby and his classmate were having a group study about their group work in Preventive Medicine. Tapos na sila pero binibigyan nila ng mahabang oras ang overview para hindi raw sila mapahiya sa professor nila. Bobby was the leader of the group work kaya nangangarag siya.

The good thing was that Patty was not his groupmate. Sa ibang group na-assign ang impakta. At least ay makakahinga ako nang maluwag na walang magtatangkang umahas sa boyfriend ko.

Alam ko naman na kahit hindi aminin ni Bobby, napi-pressure siya. Madalas niya itong sabihin sa akin na pangalan ng buong Gallego sa larangan ng medisina ang nakataya kaya ayaw niyang pumalpak kahit na sa simpleng group project lang.

Nakakadagdag pa ng pressure na nasa isang advanced medicine program siya sa isang kilalang university tulad ng HFU.

Nasa bahay ako kanina at kakwentuhan si Tita Liezel. Just catching up with her. May sarili na rin kasing ganap sa buhay si Tita Liezel. Pero nang mag-text si Bobby na malapit na silang matapos ay nagsabi akong pupuntahan ko na lang siya para ako na lang ang maghatid sa kanya pauwi. At least, hindi na siya mapapagod sa pagda-drive at mayayaya ko siyang mag-late dinner. Nag-aalala akong baka nag-skip siya ng pagkain dahil sa concentration sa ginagawa.

Naiinis din ako kanina na bumibilang ng halos ten to twenty minutes bago siya maka-reply. Kapag tinawagan ko at sinagot ang tawag ko ay parang laging nagmamadali.
Nauubos ang pasensya ko at gusto kong magmaldita pero humihinga ako nang malalim at bumibilang hanggang sampu para makalma ko ang sarili ko. Lagi kong isinasaksak sa utak ko na intindihin siya, to which I can proudly say that I was succeeding at it.

Selfish ngang matatawag, pero sana ay hindi ko na lang siya sinuportahan sa pagdo-doktor niya. But I knew it will make him happy. And I was all for his happiness. So, hindi naman ako ganoon ka-selfish after all.

Hindi ko lang in-expect na ganito kalala ang schedule ng mga nag-aaral ng medicine, lalo pa at isang tulad ni Bobby na may gusto ring patunayan bilang isang galing sa pamilya ng mga doctor.

Ayaw nga niyang sunduin ko siya dahil gabi na raw. Ayaw niyang bumiyahe akong mag-isa sa gabi. Pero nagpumilit ako. I had to see him. I missed him. Gusto ko lang na mayakap siya nang mahigpit.

I wanted to be in my comfort zone right now. I wanted that security right now.

I parked my car outside the gated posh condominium building. It was just a few blocks away from HFU School of Medicine. Natuloy sina Francis, Becca at Patty sa pagkuha ng unit. Sobrang convenient nga naman. Hindi tulad ni Aldus ko na uuwi pa sa Pasig pagkatapos ng klase.

Bago ko tunguhin ang building ay dumaan muna ako sa isang coffee shop na hindi kalayuan sa building at bumili ng kape at cake. Baka gutom si Bobby, at least ay may naka-ready na.

I texted Bobby and told him that I would wait for him outside. Lumipas muna ang halos anim na minuto bago siya nakapag-reply para sabihing pababa na siya. Pinagalitan pa ako na makulit raw ako at hindi ko siya sinunod.

Mabuti na lang at wala sa main road ang entrance ng building. Nakapag-park ako sa isang gilid ng gate ng condominium.

Pero twenty minutes na ang nakalipas at malamig na ang kape ay wala pa ring Bobby na bumababa.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin