Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes

Magsimula sa umpisa
                                    

“Often.”

I waggled my finger at him. “Lagot ka…” biro ko.

Natawa siya.

And it made me smile seeing him laugh.

“It seems that you got what you wanted,” ani ko sa seryosong tinig matapos siyang mapagmasdan. “Why, you’re now the Pambansang Banda ng Pilipinas,” I teased. “Sikat na sikat na kayo.”

He squared his shoulders while there was a boyish smile on his lips.

At bahagyang napakunot ang noo ko because I did find it cute and charming. Like why?

“It started from that demo tape and this lucky charm…” Itinaas niya ang ‘Fu’ chain tag na ibinigay ko.

“Kung gan’on, ibalik mo na ‘yan sa ‘kin.” I tried to snatch it from his hand.

Pero mas mabilis ang kamay niya. Agad niyang naitago ang kamay na may hawak sa chain tag sa likuran niya. “Ayoko nga,” parang batang sabi niya. The amusement in his eyes was back.

Pinandilatan ko siya. “Akin ‘yan!” mataray kong sabi.

“Binigay mo na ‘to sa ‘kin kaya akin na ‘to,” natatawa niyang sabi. Para kasi kaming mga bata.

“Pinahi--“ Hindi ko na nagawang maituloy ang sasabihin ko nang makarinig kami ng mahinang katok sa pinto. Napatingin kaming lahat doon.

Mula sa pinto ay iniluwa niyon ang pinakaguwapong nilalang para sa akin na merong sexy dreamy eyes.

Robert Aldus!” excited na tili ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. I tiptoed and snaked my arms around his neck.

Mabilis ang tibok ng puso ko. I missed him. It had been three days since I last saw him. Sa weekend pa sana kami magkikita.

He was in his all-white med student uniform and boy, did he look so fucking cute and so mabango to look at. Suot niya ang medical badge name niya sa kaliwang bulsa which for me added character and so much cuteness.

Bagay na bagay sa kanya. Lalong nakaka-turn on dahil lalo siyang gumuwapo.

Isang mahigpit na yakap din ang iginanti ni Bobby sa akin at masuyo akong hinalikan sa sentido. “I missed you, my Gracie…” he whispered. It was so sexy that I wanted to kiss him, kaya lamang ay may audience kami.

Napuno ng happiness ang dibdib ko. Lumayo ako sa kanya at masuyong tumingin sa mukha niya. Ang mukhang hindi ko pagsasawaang tingnan.

He looked tired yet his eyes were happy. I held his cheek fondly. “You surprised me. Why are you here? May klase ka, ‘di ba?”

“My prof had an urgent meeting. So, I have two hours to spare. I thought of you…I wanted to see you.  So here I am.”

“Sweet!” I gushed. Hindi ko alintana ang ilang pares ng mga matang nakatingin sa amin.

Kasama na ang isang pares ng hooded eyes na seryosong nakatingin sa amin.

“I’ve been calling you and looking for you around the campus. I spent the precious fifteen minutes looking for you when I could have had spent it hugging you. Mabuti na lang at may nakapagsabing narito ka.”

Napatapik ako sa noo. “Sorry, naka-vibrate mode ang phone ko dahil galing ako sa klase.”

Mula sa akin ay ibinaling ni Robert Aldus ang tingin niya kina Minnie at Elmo.

Panghuli kay Rome.

“Oh, my, I’m sorry…” sabi ko. I realized it was rude of me not to formally introduce them to each other.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon