Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo

Start from the beginning
                                    

A rocker look.

Binawi ko ang pag-la-lock ng mga tingin namin. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng minuto ko ang ‘matandang’ lalaking ito? Mukha kasing mas matanda pa siya kay Sherwin.

Lalakad na sana ako palayo nang may biglang umakbay sa akin.

“Hello, babe…” the guy said in a slurred voice. Naamoy ko kaagad ang hininga niyang amoy-alak. “Bakit nag-iisa ka?” aniya habang ang mga mata ay namumungay sa kalasingan.

Biglang nanayo ang mga balahibo ko sa may malisyang akbay niyang iyon.
Nakakabastos.

Buong lakas ko siyang siniko. “Bitiwan mo nga ako!” matapang kong sigaw.

Pero tila hindi ininda ng lalaki ang buong lakas kong pagsikong iyon. Nakakalokong ngumisi pa siya. “Feisty… I kinda’ like that in my babe…” Itinaas-baba niya ang mga kilay.

Nagdulot iyon ng panginginig sa kalamnan ko. Para siyang iyong mga kontrabida sa pelikula. Ang kilos at ang pagngisi niya. Nakakadiri.

Hindi ako madaling matakot. Malakas ang loob ko. Pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng takot sa dibdib. Paano kung gawan ako ng masama ng lalaking ito na kabilang sa mga tinatawag kong ‘matatanda’ dahil kaedaran ni Sherwin? Ano ang laban ko? Wala akong kilala sa mga naririto bukod kina Sherwin at Joan na ngayon ay hindi ko pa rin nasisilayan?

But I am Ashley Grace Lim. Matapang ako, hindi basta-basta sumusuko at lalong hindi marunong umiyak!

Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa direksyon ng lalaking may hooded eyes. He was casually looking at us na para bang kampanteng nanonood ng isang eksena sa pelikula. He met my gaze at pagkatapos ay lumagok sa hawak na bote ng beer, humitit at nagbuga ng sigarilyo nang hindi inaalis ang pag-la-lock ng mga tingin namin.

Nag-ipon ako ng lakas at inubos ko iyon sa pagtulak sa lalaki. “Pwede ba lumayo ka nga sa akin!” matapang kong sigaw na hindi man lang naka-attract ng atensyon dahil nilamon lang ang sigaw ko ng malakas na tugtog at tawanan sa paligid.

Ngumisi ang lalaki. “Pa’no kung ayaw ko, babe?” There was an edge in his voice. Waring nasaling ko na ang pride niya.

Itinaas ko ang kamay ko. “Talk to the hand!” sigaw ko.

Tinalikuran ko siya pero maagap niya akong napigilan sa balikat.

“Get your hands off me!” mataray kong sabi.

“’Wag kang masyadong mataray, babe…”

Sasagot pa sana ako pero naagaw ni Hooded Eyes ang atensyon ko dahil bigla siyang tumayo. Itinapon ang hawak na sigarilyo at inapakan iyon, marahang pinagpag ang puwitan at pagkatapos ay lumapit sa kinaroroonan namin.

“Pare…” ani Hooded Eyes. His voice was raspy. Parang bagong gising. But it sounded good in one’s ears.

Pareho kaming napatingin sa kanya. Pero hindi pa rin binibitiwan ng lasing na animal ang balikat ko.
“’Wag kang makialam, dude. Akin ‘to!” sabi ng lasing na lalaki.

Pinandilatan ko siya. I was not anybody’s!

Ikinangiti ni Hooded Eyes ang reaction ko. Hinila niya ako mula sa pagkakahawak ng lasing na lalaki. “Ibalato mo na siya sa akin. Kaibigan ko siya,” malumanay niyang sabi.

“Kaibigan mo ‘to?” hindi makapaniwalang sabi ng lasing na tila nawala panandalian ang kalasingan. “Itong mataray na ‘to?” Itinuro pa niya ako.

Inakbayan ako ni Hooded Eyes pero agad akong pumiksi. “Best of friends kami,” natatawa niyang sabi at pinagkrus pa ang dalawang daliri. “As in sanggang-dikit.” When our eyes locked, he was looking at me with an amused look. “Kasama ko siyang dumating kanina kaya ibalato mo na lang siya sa akin.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now