Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo

Start from the beginning
                                    

Nakilala namin ang dalawa sa elevator ng Agoncillo Tower nang magpunta kami roon para sa birthday celebration ko sa Madrid Golf and Country Club.

Witness kami sa magandang love story nina Jillian at Enzo na may pagsubok pang pinagdaanan ay nalusutan naman nila. In fact, they were already engaged. Enzo proposed to Jillian on her birthday at witness din kaming lahat doon.

“Auntie Ash! Uncle Bob!” tili ni Andi at patakbong lumapit sa amin mula sa umpukan ng mga magulang niya at ng buong gang.

Natutuwang niyakap ko si Andi. “How are you little girl?”

“I’m doing good, Auntie Ash. I missed you so much.”

Nanggigil na pinaghahalikan ko si Andi sa pisngi. “I missed you, too, little girl. You’re so adorable. Nakakagigil ka. Sooo cute!”

“May suggestion ako…” bulong ni Bobby sa akin habang naglalakad kami papunta sa umpukan ng gang. Hawak ko sa kamay si Andi.

I threw a sideways glance to Bobby. “What?” nakangiti kong tanong.

Isang pigil na pilyong ngiti ang lumabas sa labi niya. And God, he looked so wickedly handsome at that. His dreamy eyes insinuating naughtiness.

Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. “Gumawa na tayo ng sarili nating version ng Andi. Si Roberta Chelsea natin--

Hindi na nagawang maituloy ni Bobby ang sasabihin niya dahil agad ko siyang na-karate sa tiyan. “Jerk!” tili ko habang pinandidilatan ko siya ng mga mata.

Pero hindi ko alam kung bakit nangingiti ako sa suggestion niyan iyon. Sinabihan ko si Andi na mauna na siyang bumalik sa mommy at daddy niya. Natatakot akong marinig niya ang biro ni Aldus sa akin although alam ko namang hindi dahil pabulong iyong ibinulong ni Aldus sa akin.

Meant for my ears only. And it making me smile. Fucking duh.

Natatawang hinimas niya ang tiyan. “Suggestion lang naman ang sa akin--“

“Tseh!” natatawang sigaw ko sa kanya. Nag-iinit ang magkabilang-pisngi ko sa suggestion niyang iyon.

Humarap siya sa akin habang patalikod na naglakad. Hawak niya ang kamay na parang sinisigurong hindi ko na siya maka-karate pa sa tiyan.

“Gusto ko lang naman na ibigay ang lahat ng gusto ko. Gigil na gigil ka kay Andi, eh, ‘di bibigyan din kita ng baby na panggigigilan.” He bit his lower lip and playfully wiggled his eyebrows.

I laughed out loud. “Perv!” tili ko at pinagsisisipa siya sa hita.
Napapatalon naman siya sa kaiiwas sa akin pero hindi pa rin binibitiwan ang mga kamay ko.

Wala kong pakialam maski na napapatingin ang ibang estudyanteng nasa school grounds. Maski na ang mga pares na mga mata ng buong gang na nakangiting pinagtitinginan kami.

Natatawang niyakap niya ako. “Pag-isipan mo ang suggestion ko, my Gracie. Don’t worry, walang expiration ‘yun.”

“Leche! Ang landi mo!”

Inakbayan niya ako at siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa backpocket niya. “Sabihan mo lang ako ‘pag gusto mo na. I am more than willing,” aniya habang naglalakad kami patungo sa kinatatayuan ng buong gang.

Inirapan ko siya. “Magtatapos pa ako ng pag-aaral at magiging doctor ka muna, Robert Aldus.”

He squared his shoulders. “Bahala ka. Basta andito lang ako. Always ready.” Pilyo ang tono niya. Then he winked at me and fondly pinched my nose--his way.

I rolled my eyeballs. “Maghintay ka ng ten years--“

“Ten years?” nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. He looked so cute. “Hindi tayo sina Cobi at Miranda, my Gracie. Next year, pwede na.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now