Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado

Mulai dari awal
                                    

Mahinang tawa lang ang isinagot ni Bobby. Takot kaming mapagbuntunan ng pansin ni Miranda. Mainam na na kina Lucas at Lance ang pansin niya.

Nanlaki ang mga mata ni Miranda. “You did not,” hindi makapaniwalang sabi niya.

Kumamot sa noo si Lucas. “I did…” pag-amin niya.

“Lucas…” nagpapadyak na sabi ni Miranda dala ng disappointment. At nang tumingin siya kay Lance ay lumabi siya. “Lance… Hindi ko akalain…”

Yumuko lang si Lance habang napapakamot sa likod ng ulo.

Frustrated na napahawak sa noo ni Miranda. “Hay! Paano kung balikan kayo ni Zeke? Paano kung magsumbong siya sa pulis? Paano kung gumanti siya? Paano na?” sunud-sunod niyang tanong.

“Hindi siya makakapagsumbong sa pulis kasi wala kaming iniwang kalat doon. At isa pa, sa dami ng atraso niya sa ibang tao, hindi na niya kayang malaman kung sino ang gustong maghiganti sa kanya at gumawa nu’n sa kanya,” confident na sabi ni Ryan. “Saka takot lang niya sa banta ni Alfred sa kanya.”

Mabilis na ibinaling ni Miranda ang tingin kina Alfred at Ryan. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. Agad namang lumayo si Andrew sa kanila. Tumabi ito kina Tres at Jorj. Natatakot na mabaling din ang atensyon ni Miranda sa kanya at siya ang mapagbuntunan ng panenermon nito.

“Alam na ba ni Carmela ang ginawa n’yo?” seryosong tanong ni Miranda.

“She already knew,” sagot ni Ryan. “Nagtatampo nga dahil bakit hindi raw namin siya isinama. Eh, ‘di sana nakisampal din daw siya du’n sa gunggong na ‘yun.“

“What?!” frustrated na bulalas ni Miranda.

Hindi na naming napigilang matawa. Pero saglit lang. Ayokong kami ni Bobby ang mapagbuntunan ng sermon ni Miranda.

Bumaling si Miranda kay Alfred. Nakasunod ang mga mata naming lahat sa kanya. “Alam na ni Annie ang nangyari?”

“Alam na niya,” ani Alfred. “Nakapagbanlaw na ako sa panenermon niya.”

“Ano ang sinasabi nilang banta mo kay Zeke?” Miranda asked, her eyes narrowing on Alfred.

Hindi agad nakasagot si Alfred. Lihim kaming napangiti.

I am going to cut your small dick with a kitchen knife and will let my dog eat it, iyon ang banta ni Alfred kay Zeke.

“Wala… Basta, ‘wag mo nang itanong. Bad kasi…” hindi mapakaling sabi ni Alfred.

“Afred Zamora!” bulalas ni Miranda.

Lumapit si Tres kay Miranda at masuyo itong hinawakan sa magkabilang-balikat. “Relax, honey,” aniya sa nang-uutong boses. “Hindi kami babalikan ni Zeke. Ang takot lang n’un. Sa takot nga, he flew to Australia para magtago. At kung sakaling balikan niya kami, we’re more than ready. Kayang-kaya namin siyang tirisin.”

Nag-pout ng labi Miranda. “Don’t honey me…”

Natawa si Tres. Niyakap niya nang mahigpit si Miranda. “Honey, bati na tayo… ‘Wag ka nang magalit sa amin.”

Inirapan lang siya ni Miranda. Tumayo si Jacob at lumapit na rin kay Miranda.

“Isa ka pa…” nakasimangot na sabi ni Miranda. “Kung hindi pa nagsabi sina Ash, Jorj at Stasha, hindi ko malalaman.”

Jacob chuckled. Then he flashed Miranda a handsome smile. “Sorry na. Tapos na ‘yun. Tinuruan lang namin siya ng leksyon.”

“Hindi kayo teacher para magturo ng leksyon.”

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang