Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang

Start from the beginning
                                    

Pucha. I needed to keep a fair distance from her dahil kung hindi, malamang ay maka-karate na naman ako nito.

“I’m quite okay. The bruises are gone, “ mahinhing sagot ni Kate at ipinakita pa sa akin ang mga braso niya.

Napatango ako. Yes, the bruises were gone. Kahit sa mukha niya ay wala na ang mga pasa.
Bumalik na ang dati niyang ganda.

“That’s good to hear...” ang tanging naisagot ko.

Gusto ko nang tumakbo palayo kay Kate . Pero alam kong hindi maganda iyon. It would be ungentlemanly act on my part.

Pero hindi naman gumagana ang utak ko sa alibi na pwede kong ibigay para makapagpaalam na sa kanya.

Lumungkot ang mukha ni Kate. She advanced a step towards me. I took a step backwards.

“But I’m still scared, my Bubba. Zeke might come back and...” Her voice cracked. Her eyes glistened with tears. Nagbaba siya ng tingin para itago ang pamumuo ng luha.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.

Kahit na ano pa ang ginawa niya sa akin o nangyari sa pagitan namin, she did not deserve that.

No woman deserved that kind of treatment from a guy.

Dahil ang mga babae ay dapat na iginagalang at tinatrato ng tama. Iyon ang turo sa akin ng mommy at mga ate ko.

“Don’t ba scared, Kate. I’m sure your family wouldn’t allow that to happen again,” sabi ko.

Nag-angat ng tingin si Kate at ngumiti. “And you will not allow that to happen to me, right, my Bubba?” malambing niyang sabi.

No flirting with dalmatian and anaconda ex-girlfriend, ha? Lalo pa at nasa tabi-tabi lang siya. Hindi ko gusto... parang naririnig kong paalala ni Gracie ko sa akin kanina.

Pucha.

Napakamot ako sa likod ng ulo. Kate advanced a step towards me. Umatras naman uli ako. At isa pang atras, tatama na ang likod ko sa puno.

Kaya naman dali-dali na akong nag-send ng text messages sa buong gang maliban kay Gracie.

Help. Sa tambayan. Kate.

Alam na siguro nila iyon. Hindi ko pwedeng habaan at baka makahalata si Kate. I-s-in-end ko na rin iyon kina Carmela at Ryan pati na kay Andrew.

Unang nag-reply si Andrew.

Run, Gallego. Kung ayaw mong maputol ang kung ano ang dapat na maputol sa ‘yo...

Kasunod ng text message niya ang isang laughing emoji at isang kutsilyo.

I gritted my teeth. The fucking guy is not helping me. Fuck you, Rufino.

Pagkatapos ay tumunog muli ang cellphone ko. It was from Miranda.

What happened? Nasa council meeting kami nina Lucas at Lance. Pero patapos na rin ito in a while.

Napabuntong-hininga na lang ako. Si Miranda sana ang gusto kong naririto ngayon.

Matipid kong nginitian si Kate. “Of course, Kate. Kaibigan mo ako. Hindi namin hahayaan ng mga kaibigan mo na mangyari ulit iyon sa ‘yo,” sagot ko, giving emphasis to the word ‘kaibigan’.

Sumimangot si Kate at nag-pout ng lips. Hindi nagustuhan ang sinabing kong magkaibigan kami.

Napatingin ako sa isa pang text message ang pumasok. It was from Tres.

Patay kang bata ka... R.I.P., Gallego...

Kasunod din niyon ang isang laughing emojis.

Pucha! Isa pa itong si Tres.
Alam nila kung gaano kataray si Gracie ko pero hindi naman nila ako tinutulungan.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now