Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back

Magsimula sa umpisa
                                    

My Robert Aldus was holding my hands while we were walking.

Papunta na kami sa meeting place ng buong gang sa HFU na kung saan sila madalas na magkita-kita noong wala pa ako sa gang.

Tumingin ako sa gwapong lalaking nakahawak sa kamay ko.

I met his beautiful dreamy eyes.

And these dreamy eyes held my gaze for a second. Then this handsome guy smiley grinned at me.

Oh, fuck shit. I just melted with that handsome smiley grin.

And that smiley grin was just for me alone because he was mine.

Possessive na kung possessive na matatawag pero gusto kong ulit-ulitin na akin lang siya.

At sobra akong nagpapasalamat na ibinigay niya ang buong puso niya sa akin kahit na ang dami kong drama sa buhay at ka-imperpektuhan sa sarili.

He loved me.

In this lifetime and the next, he would always say.

Sumagi tuloy sa isipan ko ang eksena kanina sa bahay nang sunduin niya ako.

"GOOD MORNING, MY beautiful Gracie!" nakangiti at masiglang bungad ni Bobby pinto.

"Good morning, asshole!" bati ko.

Calling him 'asshole' was my favorite endearment to him.

Tumingin ako sa relo ko. He was early by thirty minutes sa oras ng usapan namin. "You are early..."

He flashed me his handsome smiley grin. "Baka magalit ka kapag na-late ako on your first day of school. So para maiwasan ang away, inagahan ko."

I pouted my lips. It made me happy knowing that. Iyong ayaw niyang magkakagalit kami.

Kasi nahihirapan daw siya. He cannot afford to be at war with me. Alam niyang siya ang laging talo dahil hindi niya kayang magkagalit kami.

"Hi daw sabi nina Winnie at Po," sabi ko at inilahad ang stuffed bear toys na ginawa na naming anak-anakan.

"Hi, babies," ani Bobby. At pagkatapos  ay walang anu-anong hinawakan ako sa magkabilang-pisngi at hinalikan ako sa labi.

Nagulat ako nang gawin niya iyon. But I snaked my arms around his neck and kissed him back with equal ardour.

Not minding that we were still at my doorstep. Na pwedeng makita kami ng kapitbahay. At nasa sala lang si Tita Liezel.

“Grabe ka! Basta-basta ka na lang nanghahalik!” tili ko sabay marahang sampal sa pisngi niya nang matapos ang halikan namin.

“Kasalanan mo, my Gracie. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang ganda mo kasi...” he reasoned out while his eyes were twinkling with mischief.

Then he handed me three red roses na kinuha niya mula sa likurang bulsa ng pantalon.

"I love you, my Ashley Grace. In this lifetime and the next..." masuyo niyang sabi at niyakap ako nang mahigpit.

NAG-IWAN NG NGITI sa labi ko hanggang ngayon ang eksenang iyon kanina sa bahay namin.

I inhaled a sharp breath. Nakakataba ng puso na maswerte akong nakatagpo ako ng isang Robert Aldus Gallego na grabe lang kung magmahal.

Then I smirked while he continued to hold my gaze. “Anong tinitingin-tingin mo? May problema ka ba sa akin?” kunwari ay mataray kong tanong. Nakataas pa ang isang kilay ko pero may pigil na ngiti sa labi ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon