Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate

Start from the beginning
                                    

At mula roon ay may ideya na ako kung ano ang ginawa nila. Malamang ay binugbog nilang apat si Tiago. Sila mismo.

“Alam na ba ng buong gang ang dahilan kung bakit kailangang ninyong maghiganti?”

Binalot ng insecurity ang buong katawan ko. Hindi pa ako ready na sabihin sa buong gang ang katotohanan dahil nahihiya ako. Kay Miranda ko lang talaga nasabi.

“No. It’s always your choice to tell your story--whenever you’re ready. And they didn’t ask either. Basta sumama lang sila. Gano’n ka-supportive ang mga kaibigan natin--even the girls for keeping the Brazil trip a secret to you.”

“Alam na ni Miranda ang totoo...”

Wala akong pinagsisisihan na naikuwento ko iyon kay Miranda. Maski paano ay pinaluwag niyon ang dibdib ko.

“Miranda won’t judge you and think low of you because of that. Hindi naman talaga dapat hinuhusgahan ang mga biktima ng gano’n,” seryoso niyang sabi.

Hindi na ako kumibo. Baka bumalik na naman ako sa issue namin kay Kate na ‘biktima’ rin ng pang-aabuso.

Palihim akong napaisimid. Pang-aabuso with consent ang kay Kate.

“Thank you for telling it to Mom...”

Ngayon ko na-realize na nagpapasalamat akong sinabi ni Aldus sa mommy ko ang tungkol sa ginawa ni Tiago sa akin.

“She’s your mother. She has the right to know. She should know...”

And then we both fell silent while looking at each other’s eyes. Nakahinto na kami sa isang walkway papuntang parking lot.

“Thank you sa pakikipaglaban para sa akin... Thank you for always being there for me...” maluha-luha kong sabi. Pigil na pigil ang emosyon ko.

“Gwapong sidekick mo ako, ‘di ba?” malambing niyang sabi. His dreamy holding mine in a gaze. “Sidekick mo ako sa lahat ng laban mo sa buhay, Ashley Grace. Ngayon at magpakailanman.”

I fondly pinched his nose sa kung paano niya laging pinipisil ang ilong ko. My Robert Aldus’s nose was pointed. Iyon ang unang mapapansin sa kanya dahil sa kanyang Moroccan roots.

“Hindi lang kita basta sidekick, Gallego...” madamdamin at puno ng pagmamahal na sabi ko. “Ikaw ang superman ng buhay ko. You are my superman incarnate--my superhero personified.”

A slow handsome smile came out from his lips. Hanggang sa maging sexy na smiley grin iyon. “Talaga ba?” mayabang niyang sabi.

Nameywang  siya at tumingin sa kawalan. Stomach in and chest out ang drama. Superman na superman ang pose.

Ready to protect me. Always there for me.

Inikutan ko siya ng mga mata maski na ang totoo ay gwapong-gwapo ako sa kanya at nadadala ako ng sexy niyang smile at ang nakangiti niyang dreamy eyes.

Itinaas niya ang isa niyang kamay habang nakakuyom ang kamao. Isa pang pose ni Superman na akmang lilipad na.

“Sakay ka na sa likod ko,” aniya kasabay ang isang nang-eeganyong ngiti. “I’ll bring you to the happiest place on earth.”

Umarko ang kilay ko. “Disneyland?” Iyon kasi ang tagline ng Disneyland.

Nah,” aniya at umiling. “Not Disneyland but inside my hug, my Gracie,” masuyo niyang sabi.

I felt so loved.

Marahan akong tumango. “The happiest place for me,” masuyo ko ring dagdag.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now