Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face

Bắt đầu từ đầu
                                    

At botong-boto sila kay Bobby para sa anak nila.

At dahil hindi na iba ang turing ni Bobby sa kanila kahit na hiwalay na sila ni Kate ay ipinakilala pa rin niya ako sa mga ito dahil pamilya na ang turing ni Bobby sa kanila despite what happened between Kate and him.

“Hello, Ashley...” ang sagot ni Tita Elvie.

Iyon lang.

Hindi niya nagawang sabihing ‘nice meeting you’.

Hindi naman siguro talaga nice na makilala mo ang current girlfriend ng ex ng anak mo.

And I will understand kung galit ang makita ko sa mga mata niya. O kung snob-in niya ako.

I will understand. Ako nga naman ang karibal ng anak niya sa isang pambihirang lalaking tulad ni Bobby.

But no, wala akong makitang ganoon sa reaksyon niya.

“Hi, Tita Elvie. I am...” I cleared my throat.

This was really fucking awkward.

Maski si Bobby ay parang uneasy. Hindi lang niya ipinahahalata sa pagpapakitang kalmado siya.

But I saw him licking his lower lip. Meaning he was thinking.

“...I am happy to see you,” dugtong ko kasabay ang isang sincere na ngiti.

Then dead air followed after.

Wala ni isang nakapagsalita sa amin.

Si Bobby ang unang bumasag sa katahimikan. “May sasabihin daw sa ‘yo si Ashley Grace, Tita...” sabi ni Bobby sa tonong tila nagpapaalam.

Marahan lang tumango si Tita Elvie.

Naging hudyat naman iyon para kay Tito Dindo. “Siguro mas mainam na iwan muna nating silang dalawa para makapag-usap sila.”

Tumango sina Kuya Kelvin at Bobby bilang pagsang-ayon. Pero bago bitiwan ni Bobby ang nanlalamig kong kamay ay masuyo niya itong pinisil.

“You’ll be fine, my Gracie...” masuyo niyang bulong sa tenga ko.

Pagkatapos ay lumabas na sila sa anteroom. Naiwan kaming dalawa ni Tita Elvie.

Awkward silence. Halos mag-iisang minuto ang lumipas na awkward silence sa pagitan namin.

She was just looking at me. And I was looking anywhere.

Anywhere but her eyes. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya.

Bilisan mo, Ash. Baka biglang dumating si Kate at hindi mo na masabi sa mommy niya ang gusto mong sabihin, paalala ng isang parte ng utak ko.

“Why don’t you sit down, hija?” Tita Elvie offered in her weak voice.

Bahagya pa niyang itinuro ang upuan sa gilid ng kinahihigaan niya.

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng malakas na dagundong ng dibdib ko.

Ano ang sasabihin ko sa kanya?

Sana ay isinama ko si Miranda.

Miranda could break the ice and the wall between Tita Elvie and I.

Pero nag-decide kasi akong hindi na isama si Miranda. Gusto ko kapag nalaman niya ang pagkakamali ko kay Tita Elvie ay naitama ko na iyon.

Ang dami ko ng bad points kay Miranda. Ayokong madagdagan na naman.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga.

And then I took all the courage I could muster to look at Tita Elvie straight to her eyes. And took all the courage again to smile at her.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ