Chapter 65 : Always Choose To Forgive

Почніть із самого початку
                                    

Nahinto tuloy si Phoebe sa pagsasalita at tumingin kay Andrew.

“Sorry, Little Phoebe Girl. Hashtag nasamid lang ako...” Then Andrew smiled sweetly at Phoebe, showing his cute dimples. He gently pinched Phoebe’s chin.

Phoebe giggled. Siguro ay natutuwa sa panggagaya ni Andrew sa mga hashtag thingies niya.

Miranda clapped her hands to get our attention. “I think let’s continue our kwentuhan over breakfast. This resort serves tapsilog and other silogs for breakfast. Doon natin ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan--“

“I don’t think it’s a good idea, Mira...” malambing pero seryosong sabi ni Akki.

“Why not?” balik-tanong ni Miranda while shrugging her shoulders. Tulad ni Miranda, wala rin akong nakikitang masama.

May utang na loob kami kay Akki. Hindi lang magawang ma-appreciate ng mga lalaki sa buong gang.

Maybe they were threatened because Akki was an equal. Hindi nila pwedeng ma-bully kahit na pagsama-samahin pa ang buong puwersa nila.

“We’re all friends here--“ dugtong ni Miranda.

Bigla na namang umubo nang malakas si Andrew. Nakaagaw muli iyon ng atensyon namin.

Nilingon ni Miranda si Andrew. “Andrew...” saway ni Miranda.

“Sorry, Miranda Girl. Naubo lang ako. Bakit ba ako biglang inubo ngayon?” patay-malisya niyang tanong sa papilyong paraan.

Lahat sila ay may pigil na ngiti sa labi. Maski ako ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.

Nilibot ng tingin ni Akki ang buong gang bago ibinalik ang tingin kay Miranda. He rested his gray eyes on Miranda, looking at her intently.

And Miranda smiled sweetly at him.

I saw Akki closed his eyes for a moment. And took in a sharp breath.

Fuck shit.

I knew it.

Gusto kong matawa sa sarili ko. And I thought sa akin may crush si Akki.

For a while, maybe yes, pero mukhang nalipat ang infatuation niya kay Miranda.

Shit. Hindi alam ni Akki ang pinapasok niya. Buong gang ang kalaban niya kapag nagkataon.

And seriously speaking, it was a relief. Hindi na namin siya pag-aawayan ni Bobby. Hindi na magseselos si Bobby sa kanya.

It was Jacob’s problem this time. At sigurado naman akong kayang i-handle iyon ni Miranda. Si Miranda pa ba?

Akki was a nice guy. Maangas yes, kasi alam niyang marami siyang ibubugang magagandang physical na katangian at ubod pa ng yaman pero tulad ng sabi ni Phoebe, he was a great friend. Napatunayan na namin iyon ni Miranda.

Maski na alam ni Akki na ang buong gang ang makakalaban niya, still hindi niya kami pinabayaan nang gabing iyon.

At natutuwa akong nakilala ko siya. Maswerte ang babaeng mamahalin niya at mamahalin din siya.

Pero sigurado akong hindi si Miranda iyon. At lalong hindi ako iyon.

Dahil wala akong balak palitan si Robert Aldus ko.

Fuck shit.

Ang sarap sa pakiramdam na Robert Aldus ko siya.

Muntik nang maging hindi... panunukso ng isang parte ng utak ko.

Natigil ako sa pag-iisip nang marahan akong hilahin ni Aldus sa kamay para maagaw niya ang atensyon ko. Dahan-dahan niya akong inilayo ng konti sa grupo.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now