Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

You're dead, Ashley Grace.

"Ah... Ano..." bulalas ni Miranda kasabay ang paghawak sa bukol niya. "May nalaglag kasi sa ilalim ng mesa kagabi. Tapos nang pulutin ko hindi ko natantsa 'yung pagtayo ko at tumama 'yung ulo ko sa mesa..." pagsisinungaling ni Miranda. "But I am okay now. Nalagyan na namin ng ice pack."

Nakahinga ako nang maluwag.
Miranda just lied to Jacob to protect me.

Pero alam ko namang sasabihin ni Miranda ang totoo kapag maayos na ang lahat.

Tulad din ng ginawang pagsisinungaling ni Aldus sa 'yo. He was just trying to protect your feelings from being hurt when he lied to you, paalala ng sub-conscious mind ko.

Fuck shit. It was a realization. And it hit me hard.

I threw a sideway glance at Robert Aldus. He was looking at Cobi and Miranda. But the moment he saw me at the corner of his eyes looking at him, he met my gaze.

His dreamy eyes pinned me down. Then he smiled and fondly touched the corner of my lips.

"I missed you..." he whispered. I heard a note of fondness and affection in it.

Pinatayo niyon ang mga balahibo ko sa batok. Parang ibinalik ako sa mga moment namin noon sa umpisa na kung saan kinikilig na ako sa kanya sa gesture na iyon.

Na kung saan unti-unti kong nari-realize na masaya ako kapag kasama siya.

Cobi let out a long frustrated sigh. Hinapit niya si Miranda at marahan kinintilan ng halik ang bukol ni Miranda.

"Masakit pa ba?" he asked.

Miranda smiled so sweetly to his boyfriend. "Kanina masakit na masakit. Pero ngayong nakita na kita at k-in-iss mo na, hindi na."

Unti-unting nawala ang pagsasalubong ng kilay ni Jacob at ang pumalit ay isang gwapong ngiti.

Niyakap niya nang mahigpit si Miranda. "Ahhh!" sigaw niya. "Na-miss kita nang sobra, Miranda dela Cruz."

Then he lifted Miranda's feet off the sand. Napabungisngis lang si Miranda. So teeny bopper moment.

Pagkatapos ay lumapit na sila sa amin.

Tapos na ang commercial break. Bumalik na ulit ang atensyon nila kay Akki na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha.

Nakangisi ulit siya--so handsomely. Try to imagine a Spanish teleserye hero doing it. Kikiligin ang mga manonood.

He was pinning each and every guy of the gang with his cat-like gray eyes.

And the tension was back. Gusto kong tarayan si Akki dahil parang inaasar niya ang gang pero malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sinamahan niya kami ni Miranda.

We felt safe with his company.

"Pucha!" I heard Bobby muttered under his breath. Obvious na hindi gusto ang presensya ng isang Akki Eliseo.

Lumakad si Akki pababa ng ilang baitang na hagdan ng cottage. Slowly. As if he had all the time in the world.

And we were all watching him. At alam kong gusto niya iyon.

Achilles Eliseo was so cocky. He was like that because he knew he was handsome, rich, elite and famous in SBU.

Just like the hotties in HFU.

Then Akki casually slid his hands inside the pocket of his shorts. "The view from the balcony was spectacular. I had a great time watching all of you..." kaswal niyang sabi. Isa-isa niyang sinalubong ang tingin ng mga lalaki. Mula kay Bobby, kay Jacob, kay Lucas, kay Tres at nagtapos kay Andrew.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and Ashleyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें