Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino

Start from the beginning
                                    

"I thought I lost you..." Cobi said without taking his eyes off Miranda's face.

"You did?"

Marahang tumango si Cobi. "Yeah. And it scared the hell and wits out of me. Tapos hindi ka man lang nag-text." May himig-pagtatampo ang boses ni Cobi.

"Sorry," malambing na hingi ng paumanhin ni Miranda. "Ayaw ni Ashley Grace ipalaam. Umisip pa ako ng paraan para malusutan siya nang hindi nagbi-break sa promise ko sa kanya," paliwanag ni Miranda.

Gusto kong mag-facepalm. Special mention ako. I was guilty as charged.

"Don't do this to me again, baby. Please?"

"Yeah. Sorry. Sorry... Sorry," hingi ulit ng paumanhin ni Miranda na pinagsalikop pa ang mga palad na parang nagdarasal.

Jacob fondly poked the top of Miranda's nose. "I forgive you..."

Ganoon lang kadali. Pinatawad na ni Jacob si Miranda nang walang anumang panunumbat at pagsisisi.

Always choose to forgive than wallow in bitterness... biglang singit ng isang parte ng utak ko.

Iyon ang sabi ni Miranda sa akin.

Napatingin ako kay Bobby na nakatingin sa best friend niya at kay Miranda. I was ready to forgive Bobby.

I loved him. Matapang lang akong magsabi na kaya kong mawala siya sa piling ko pero hindi ko iyon kayang panindigan.

Hindi ko iyon mapaninindigan dahil sobrang hirap niyon para sa akin. Isa iyong torture sa akin.

Napatingin din ako kay Akki. Na kina Jacob at Miranda rin ang mga mata niya. And there was something in his eyes.

Inggit.

Para kay Jacob.

And fondness for Miranda.

Tumaas ang isang kilay ko. What the fuck? Seriously?

"Akalain mong nakarating ako sa Zambales na ganito ang suot ko? D'yos ko, Lord..." Nailagay ni Miranda ang mga palad sa magkabilang-pisngi.

Jacob looked at Miranda with so much affection. From her Philippine Eagle Foundation t-shirt to her Hello Kitty pajama bottom. "You still look pretty..."

"I do?" kinikilig na tanong ni Miranda.

"Yeah. Very... You mesmerize me all over again. Like that moment three years backwards--when I first saw you."

Miranda giggled like a happy child. "Ayyy! Na-miss mo nga ako..."

Niyakap nang mahigpit ni Cobi si Miranda. "Sobra, Miranda dela Cruz. Sobra..." Pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ni Miranda.

Doon pa sa parteng may bukol.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Cobi. "Putang ina! Napa'no 'to?" gulat niyang tanong. Halos pagalit na. The concern for his baby was overwhelming.

I winced. Ayan na ang sinasabi ko.

Kilala sa pagiging suplado si Cobi. At kinatatakutan ng buong gang ang pagsasalubong ng kilay niya when it concerns the people he loves. Only Miranda can tame him.

Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling sabihin ni Miranda ang totoo. Tutal ay kasalanan ko naman talaga.

"Words!" saway ni Miranda sabay marahang palo sa dibdib ni Cobi.

"Eh, bakit meron kang malaking bukol? Iniwan kita kagabi na wala 'yan."

Tinangka niyang hawakan ang bukol ni Miranda pero agad itong iniwas ni Miranda. Alam kong masakit pa kasi iyon.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now