Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace

Start from the beginning
                                    

Sintunado voice.

Unlike his best friend Cobi, hindi nabiyayaan si Robert Aldus ng magandang boses.

Dahil habang busy raw si Cobi noon sa mga kung anu-anong summer classes tuwing bakasyon tulad ng voice, piano, guitar at kung anu-anong pang summer lessons, siya naman ay busy sa hobby niyang photography.

Niyaya siya ni Cobi na sumamang mag-summer lessons. Pero si Bobby ang umaayaw. He said he would be bored to death.

Photography at basketball lang ang nakakuha ng interes niya.

At madalas ay nauubos ang oras niya sa mga medical missions kasama ang pamilya tuwing bakasyon. Minsan ay nakakasama din si Cobi sa kanila.

Kaya ganoon na lang siguro siya ka-generous at sobra ang malasakit niya sa mga tao.

Because he was taught to be compassionate by his parents.

At isa pa, wala siyang talent sa pagkanta.

Isa siyang malaking sintunado.

Alam na niya iyon noon pa man. Alam ko na rin iyan noon pang maging kami. He first sang to me when we were in Granduer.

Iyong Crazy For You na kanta.

Ang sakit sa tenga na pakinggan ang pagkanta niya. Inasar ko siya nang inasar tungkol doon. At naging biruan na namin ang pagkanta niya.

Birit King. He would always joke na siya ang male counterpart ni Jorj sa buong gang kung pagandahan lang naman ng boses ang labanan.

And I would always laugh out loud. Iyong tawang super mapang-asar talaga.

And Robert Aldus would always goof around him being sintunado just to make me laugh.

Ganoon si Robert Aldus. Hindi siya mahihiyang gawing katatawanan ang sarili mapatawa lang ako.

O, akala ko ba ay galit ka kay Bobby at ayaw mo na siyang makita, Ash? singit ng mahadera kong sub-conscious mind.

Fuck shit. Oo nga pala.

"Bobby is singing and it's so sweet..." komento ni Miranda sa mahinang tinig habang nakasilip sa bintana.

Hinila ko si Miranda. "You told them?" may halong slight na akusasyon ang boses ko. "You promised me..." naka-pout ang lips na sabi ko.

Although, deep inside ay nagustuhan ko ang ginawa niya.

"I did not break my promise to you," pagtatanggol ni Miranda sa sarili. "I did not tell them. I did not even text them. Sabi mo, 'wag kong sabihin sa buong gang, 'di ba? I kept my promise. Si Mama Liezel ang t-in-ext ko. And Mama Liezel is not part of the gang. So... ayun..."

Oh, gosh. Yeah, right.

I rolled my eyeballs. "Nalusutan mo ako... That was so brilliant, Neneng Biba..."

Miranda giggled. Then turned serious after. She held both my hands. "Mag-usap kayo ni Bobby," seryosong payo niya. "Walang alitan ang hindi nakukuha sa mabuting pag-uusap. I think, sapat na ang ilang oras na hindi kayo nagkita para magmuni-muni sa mga bagay na nangyari na--sa mga bagay na dapat at hindi dapat na ginawa."

"Eh, pa'no kung nakipag-break na siya talaga sa--"

"Bobby will not travel all the way down here if he thinks you and him have just broken up. At hindi siya--"

Sumilip ulit si Miranda sa maliit na puwang sa bintana. "Mage-effort na haranahin ka sa--" She cleared her throat. Parang nahihiyang sabihin ang gustong sabihin. "... Ganyang sintunadong boses..."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now