Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie

Start from the beginning
                                    

I just thought of her.

My Gracie.

Kailan ko ba siya huling nakausap? Kagabi ng alas-siyete pa. Hindi pa nga pag-uusap ang nangyari sa pagitan namin kundi pag-aaway.

I missed her so much.

Ni hindi ko narinig ang nang-aakit niyang pag-giggle kapag naggu-good night at I love you ako sa kanya na nakasayanan ko ng gawin simula nang maging kami.

Hindi ko iyon narinig sa kanya kagabi.

And it pained me.

No, saying it just pained me was a fucking understatement.

It was killing me.

The idea of not not hearing her 'mapang-asar' laughter and her sweet voice was killing me.

And she was the only one who can put me back to life.

My Gracie.

Sana ay magkaayos na kami. God, sana naman. Hindi ko kakayanin pa ang isang araw na magkagalit kami. Nanghihina ako.

"Bakit hindi mo naisip ang Zambales, Bobby?" tanong ni Andrew sa akin na siyang nagpaputol ng pag-iisip ko.

Saglit akong napaisip. Bakit nga ba hindi ko naisip na sa Zambales magpupunta si Ashley at isasama roon si Miranda?

Ang layo ng Zambales sa utak ko.

Gayong mahalaga rin iyon kay Gracie. Tuwang-tuwa siya sa hindi mabilang na shooting stars na nakikita niya roon noong unang punta namin.

Doon ko sinabi sa kanya ng hindi ko na kailangan pang mag-wish sa shooting star dahil yakap ko na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.

At walang nabago roon hanggang ngayon maski na nakagitna pa sa amin si Kate at ang buong pamilya nito.

Kay Ashley Grace lang ako.

Kanyang-kanya lang ako--buong puso at kaluluwa.

Hanggang sa susunod kong buhay.

Kaya naman nagyaya ulit si Ashley Grace roon.

I liked it there, too. Payapa. Hindi man gaanong maganda ang beach pero hindi gaanong 'commercialized' dahil hindi naman gaanong puntahin ng mga tao.

But it was picture-worthy.

Lalo na ang mga shooting stars. Nakatiyempo akong makakuha ng litrato ng isang shooting star na nalaglag mula sa kalangitan.
At inialay ko ang litratong iyon kay Gracie.

My Ashley Grace was like a shooting star from the sky.

She was God-sent. I was not expecting somebody like her in my life. But then again, God gave her to me to make the happiest guy on earth.

I shrugged my shoulders when I answered Andrew. "I don't know. Siguro dahil malayo 'yung lugar at hindi ko akalaing pupuntahan nina Ashley."

Tumingin si Andrew sa akin sa rearview mirror. "But knowing Ashley Girl..." Sinundan niya iyon ngiti.

Kilala nila si Ashley sa pagiging adventurous at matapang.

"Yeah... Knowing my Ashley Grace..."

I uttered her name with so much fondness.

I missed her like crazy and like hell.

"Ang knowing Miranda Girl, hindi naman nito kayang pabayaang mag-isa si Ashley kaya sumama. Kilala natin si Miranda bilang isang napakabuting kaibigan na hindi manlalaglag kahit kailan. That's why," sabi pa ni Andrew.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now