Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

"Whew!" natutuwang bulalas ni Andrew matapos na mabasa ang message at isinoli sa akin ang cellphone ko. He was also relieved.

"Trust Miranda to text this lengthy message with correct punctuation marks." Sinundan niya ng mahinang tawa ang sinabi. "That's why I really love that girl--"

Hindi pa man natatapos ni Andrew ang sasabihin ay malakas na tinapik siya ni Cobi sa balikat. "Fuck you, Rufino. Sa harap ko sasabihin mo 'yan?" nandidilat ang mga mata sa inis na sabi ni Cobi. "Sa harap ko pa talaga?"

"Punyemas ka, Maravilla!" bulalas ni Andrew habang hinihimas ang balikat na tinapik ni Cobi. "I love Miranda but I don't have any romantic interest for your girl. I just love her like a sister. Puta, Cobi, you know how we all love your girl as if she's our own sister."

Pagkatapos ay napatingin sa simbahan. "Fuck, napamura tuloy ako sa harap ng simbahan," aniya sa tonong nagsisisi. "Kasalanan mo 'to, Maravilla. Umalis na nga tayo rito."

Para namang natauhan si Cobi. Sinimangutan niya na lang si Andrew at hindi na nagsalita pa.

Then I saw him pressed Miranda's number. "Damn, prepaid account..." he muttered then he put his cellphone on his ear.

Matagal na kasi niyang kinukumbinsi si Miranda ikukuha niya ito ng postpaid line para walang dahilan na maubusan ng load. Pero hindi pumapayag si Miranda dahil wala raw itong pambayad sa monthly bill. Ayaw kasi nitong ipaako kay Cobi ang pagbabayad ng monthly cellphone bill. Nakakahiya raw.

Ako naman ay i-f-in-orward ko ang text message na iyon ni Tita Liezel sa buong gang.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Miranda sa text, Cobi? I-o-off na niya ang cellphone niya. Kaya walang saysay na tawagan mo pa siya ngayon," paalala ni Andrew.

Isang nakakamatay na tingin ang ibinigay ni Cobi kay Andrew. Pero ibinaba rin niya ang cellphone at hindi na tinawagan si Miranda.

Maya-maya pa ay isa-isa ng nagtawagan sina Tres at Lucas. I can hear the relief in their voices. At napagkasunduan naming magkita sa bahay nina Miranda bago kami magtuloy sa Zambales.

Para maipaalam na rin kay Lolo na kasama ni Ashley si Miranda at susunduin na namin sila sa Zambales.

"SO, ASHLEY MADE Mira promise her not to tell us their whereabouts. Kaya siguro naka-off pareho ang cellphone nila. At gumawa lang si Miranda na malusutan ang pangako niyang iyon kay Ashley nang hindi sumisira roon dahil kilala natin si Miranda na hindi sumisira sa pangako niya. That was actually brilliant of Miranda Girl," nakangising sabi ni Andrew na para bang siya ang nakaisip ng theory na iyon at hindi niya lang ni-recap mula sa text message ni Miranda.

We were driving back to Manila now. Si Andrew ang driver, katabi niya si Cobi at ako ang nasa backseat.

Tumingin si Cobi kay Andrew at tumaas ang isang sulok ng labi. "Tumatalino ka na, Andrew Rufino," nang-aasar na sabi ni Cobi.

"Punyemas ka, Jacob Maravilla!" nakasimangot na sabi ni Andrew at sinuntok sa braso si Cobi. "Matalino naman ako--"

"Yeah, right..." Cobi said in a bored and sarcastic tone. He even rolled his eyeballs in exasperation. Pagkatapos ay muling i-d-in-ial ang numero ni Miranda pero napabuntong-hininga nang malamang naka-off pa rin ang cellphone ng gilrfriend niya.

Nakailang attempts na si Cobi sa pagtawag sa cellphone ni Miranda, but to no avail.

Ako ay hindi na nag-try na tawagan pa ang cellphone ni Ashley Grace ko. Alam ko namang naka-off iyon at mapu-frustrate lang ako kapag nagpilit akong takwagan siya at generic message na 'cannot be reached' lang ang mapapala ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα