Chapter 61 : That One Text Message From Miranda

Começar do início
                                    

Parang si Bobby sa dalawa niyang pamangkin.

Bobby na naman... paalala ng pasaway kong utak.

Bumaling si Phoebe sa kuya niya. "Gracias, Kuya... Thank you. Hindi mo talaga ako kayang tiisin. I am hashtag loved," malambing nitong sabi at humilig pa sa braso ng kuya niya.

"Hashtag spolied brat," Akki corrected. But there was so much fondness in his voice.

"I'm not a spoiled brat," nakalabing sabi ni Phoebe na nagpapapadyak pa.

Hinarap ni Akki ang kapatid. He raised his index finger at her. "Comportarse," paalala niya sa kapatid sa wikang espanyol.

Lalong nagiging maangas si Akki kapag nagsasalita ng espanyol. Just like Cobi who also speaks fluent spanish and french. Hindi lang masyadong nagsasalita si Cobi kapag kami ang kasama dahil wala namang nakakaintindi sa amin.

Pero si Robert Aldus, kahit walang ibang lenggwaheng alam bukod sa Filipino at English ay tumitimo naman sa puso at isipan ang bawat mga salitang lumalabas sa labi niya.

Noon 'yun, Ashley Grace, paalala ko sa sarili ko. Noon.

Phoebe pouted her lips. "You always tell me to behave. I always do naman."

"Just a reminder. Entiendes?" malambing na sabi ni Akki.

Phoebe smiled lovingly at her kuya. "Entiendo, Kuya. I clearly understand."

"Well?" ani Miranda. Parang tinatanong niya kung ano na ang plano ni Akki.

"I'll drive Ashley's car kasama kayo. Then Dario will just tail us--to nowhere."

"Oh, my gosh! This is going to be exciting. Nowhere here we come!" excited na sabi ni Phoebe.

Hindi ko alam pero maski paano ay napagaan niyon ang pakiramdam ko.

Tama si Miranda na payagan si Akki na sumama sa amin.

"Can you just give the specifics?" Akki asked me. Pero kumunot ang noo niya nang makitang hawak pa rin niya ang plastic bag ng yelo na hindi niya namamalayan. Tumutulo na iyon kanina .

"Mierda! Bakit ba kanina ko pa 'to hawak? Aanhin n'yo ba ang maraming yelo na 'to?"

Pareho kaming napahagikgik ni Miranda nang magtama ang paningin namin. Natatawa kaming pareho sa reaksyon ni Akki.

He looked so cute holding a bag of ice tubes.

Napangiti ako. Yeah, Akki's company was welcome.

"Ilalagay sa bukol ko," sagot ni Miranda na marahang hinipo ang bukol sa ulo.

I winced. I really felt guilty. At alam kong lalo akong magi-guilty kapag nalaman pa ito ni Cobi.

I knew how he was when it comes to his baby Miranda. Parang si Robert Aldus lang pagdating sa akin.

Pero hindi na ngayon. Alam kong hindi na ngayon.

Nagsalubong ang mga kilay ni Akki. Lumapit siya kay Miranda. "Let me see..."

Yumuko naman si Miranda para makita ni Akki ang bukol sa ulo niya.

Dahan-dahan namang hinipo ni Akki ang bukol sa ulo ni Miranda at napapitlag si Miranda nang dumapo ang daliri ni Akki sa ulo niya. Siguro nga ay masakit talaga.

Kung magturingan ang dalawa ay parang ang tagal na nilang magkakilala. Sabagay, noon pa man ay kilala na ni Miranda si Akki maski hindi pa niya ito nami-meet sa personal. At si Akki ay alam kong kilala si Miranda bilang girlfriend ni Jacob.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora