Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley

Start from the beginning
                                    

Pero naging wall flower lang ako. Si Daddy lang pumansin at kumakausap sa akin. Wala ni isa man sa mga pinsan ko ang lumapit sa akin at nakipaglaro.

Siguro ay dahil nautusan na sila ng mga Aunties ko huwag lumapit sa akin.

Na para akong isang pasyenteng may nakakahawang sakit.

I was so hurt. Tumatak iyon sa murang isipan ko.

That I was not welcome in this family.

At hindi talaga ako magiging welcome sa pamilyang ito dahil anak ako sa labas.

I vowed that I will never let the Lim Clan do it again to me.

Galit na galit ang mommy ko nang ikuwento ko sa kanya ang mga nangyari.

Inaway ni Mommy si Daddy dahil doon.

Isang matinding away habang nakamata lang ako sa kanila.

I was crying so hard. And that time I asked God why.

Bakit ako naging anak sa labas? Bakit hindi na lang naging anak ng mayamang chinese si Mommy para walang naging problema?
Bakit hindi pwedeng maging sila gayong sila naman ang totoong nagmamahalan?

Maraming bakit sa buhay ko noon. Maraming mga tanong.

Mga katanungang walang naging sagot habang nagdadalaga ako.

But now I realized, there were some questions that were better off left unanswered.

Leaving it that way.

Kasi kung malalaman ko ang mga kasagutan, baka hindi ko magustuhan ang mga sagot.

Baka mas masaktan lang akong lalo.

And now, nine years after, I broke my vow. Sabi ko noon, hindi na ako tutuntong sa bahay na ito.

Pero heto ako ngayon.

Oh, fucking duh.

What are you fucking doing here, Ashley Grace? tanong ko sa sarili.

Tama ba ang desisyon kong tumuntong ulit dito?

Marahan akong pinigilan ni Bobby sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya habang may pagtatanong sa mga mata ko.

"Erase those memories here--" Marahang pinadaan Bobby ang hintuturo niya sa noo ko mula sa isang sentido ko patungo sa isang sentido ko.

And I knew what he meant. Alam niya ang nararamdaman ko ngayon. Kung ano ang iniisip ko ngayon.

Alam niya kasi ang mga nangyari sa buhay ko.

My Robert Aldus knew me so well.

"Erase those shitty memories in your head, my Gracie. Because trust me it won't happen again... Not when I am with you. I won't let shitty things happen to you again," masuyo niyang sabi. Pero naroroon ang kaseryosohan.

"Walang pwedeng makagawa ulit n'un sa 'yo habang naririto ako sa tabi mo," dagdag pa niya.

His dreamy eyes no matter how tired looking were smiling.

It made me smile. Maski paano ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Napalunok ako. Ayokong magsimulang maging emosyonal.

Pinaghandaan ko ang araw na ito.

Hindi para maghiganti kundi para buksan ko ang puso ko para sa pagpapatawad.

Masyado akong masaya para magkimkim pa ng sama ng loob.

I gently touched my Robert Aldus's cheek. "I know... Thank you."

"ACHI!" EXCITED NA sigaw ni Patrick nang makita kami. He was also wearing red long sleeved polo.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now