Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley

Start from the beginning
                                    

Bigla naman akong na-guilty. "What about Tita Ave?" My voice was soft. Hindi tulad kanina.

"May inutos lang... Yeah, may inutos lang..." He kissed me on my temple and hugged me tight. "Pero okay na. Okay na..."

Kumawala ako sa yakap niya at mataman siyang tiningnan. Nagtataka lang ako sa reaksyon niya.

I arched an eyebrow when I forced him to meet my gaze. Wala akong sinabi. Basta nakatingin lang ako sa kanya.

He smiley grinned. This time, it was not forced. Hindi tulad kanina na parang pinilit lang niya ang sariling ngumiti.

"May problema ka ba sa akin?" papilyo niyang tanong. "Nagugwapuhan ka ba? Hmmm?" His eyes were dancing.

I rolled my eyeballs. "Fucking duh," I said, smiling. "Halika na nga. Alam mong importante sa 'kin 'tong lakad na 'to, na-late ka pa," panunumbat ko pa. "Baka sabihin ng Lim Clan, eh, paimportante ako."

Tinalikuran ko siya at kinuha ang silver pouch ko.

"But you are important..." malambing niyang sabi at binigyan ako ng isang backhug. "You are important to me. So important that I can't live without you... You are the air that I breathe..."

Napangiti ako sa sinabi niya. Malambing iyon at puno ng pagmamahal.

Ramdam ko.

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang mabilis ng halik sa labi. "Bumabawi ka sa mahigit thirty minutes na pagpapahintay mo sa akin."

"Sorry na." He quick-kissed me on the lips. "Sorry na..." He kissed me again. "Sorry na..." He gave me a kiss again.

Binigyan ko siya ng isang mataray na tingin sa kabila ng smile sa labi ko. "Pasalamat ka at gwapo ka..." I trailed off.

He chuckled. Tumingin siya sa ceiling. "Thank you, Lord at binigyan mo ako ng kagwapuhan. Kung hindi, hindi na ako mapapatawad ng mahal kong girlfriend dahil lang na-late ako ng thirty minutes sa date namin."

"More than thirty minutes," pagtatama ko.

Tumingala ulit siya. "Lord, I stand corrected. Mahigit thirty minutes ko palang pinaghintay ang pinakamamahal kong girlfriend."

Napabungisngis ako sa sinabi niya. Pinalo ko siya ng bitbit kong pouch sa tiyan. Napaigtad siya.

"Tama nga 'yan, jerk. May haharapin pa akong isang katerbang mga Lim ngayon."

"Nasa likod mo lang ako. Hindi kita iiwan..." bulong niya sa akin at niyakap ako. "I'll be beside you, behind you and in front of you--ready to take the bullet for you."

Nilingon ko siya. "Dapat lang," mayabang kong sabi.

Because I knew I could not do it alone. Confident at kampante ako kapag kasama ko si Robert Aldus ko.

"MALAMIG NA NAMAN ang kamay mo," puna ni Bobby habang naglalakad kami papasok sa bahay ng mga paternal grandparents ko.

Malaki ang bahay nina Ah Ma at Ang Kong sa New Manila. Dito lumaki sina Daddy at ang mga aunties ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kanina ko pa binubuo sa isipan ko kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon at dapat gawin sa sandaling makaharap ko na ang buong Lim Clan.

I had bad memories from this house nine years ago.

Birthday din ni Ah Ma at isinama ako ni Daddy. First time ko iyon sa bahay ng mga magulang ng Daddy ko. And I was so excited because I thought my grandparents wanted to see me.

But it turned out na nakiusap lang pala si Daddy na maisama ako sa bahay para lang makilala ko ang iba ko pang pinsan.

Ako kasi ang pinakapanganay sa magpipinsan. And I never met them all. This was the chance.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now