Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose

Start from the beginning
                                    

He laughed out loud and I can't help but smile.

"Nag-text lang ako sa 'yo para sabihing alam ko na ang schedule ng Three Dimensional. Ikaw nga 'tong text ng text sa 'kin maski na nagba-bye na ako," dagdag ko sa mataray na boses.

Inabot kasi kami ng hanggang gabi sa pagte-text sa isa't-isa. Kahit na wala namang katuturan ang pinag-usapan namin.

Inaasar ko siya. Gumaganti siya ng pang-aasar. Sa ganoon lang umikot ang pagte-text-an namin ng araw na iyon.

Nonsense text messages. But it kept me entertained the whole day.

Like there was this fleeting feeling that I did not want to end our exhange of banters in text messages.

Lagi naman kaming ganoon ni Robert Aldus maski noong nagpapapansin pa lang ako kay Jacob. Mahilig siyang mang-asar. Gaganti naman ako ng pang-aasar.

May isang pagkakataon pa ngang tinapakan ko siya ng mataas na takong ng boots ko dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Isang gwapong ngiti ang sumilay sa labi niya. Na para bang meron siyang naalalang maganda sa sinabi ko. "Eh, bakit nagre-reply ka?" panunukso niya. "Pwede namang hindi na... Pwede namang i-readzone mo lang ako. Why did you bother to reply?" sunud-sunod niyang sabi. I heard the teasing in his voice.

Bakit nga ba? I asked myself.

Aaminin kong dahil natutuwa akong ka-text siya. Sumasakay din naman kasi si Bobby sa mga pagsusuplada ko sa text.

And it made me smile thinking about it.

I was beginning to notice him. Ayoko lang i-entertain ang thought na iyon dahil feeling ko ay nagchi-cheat ako kay Jacob dahil si Jacob nga ang ultimate crush ko noon.

"Eh, ikaw? Bakit ka reply ng reply? Bakit sumasakay ka sa trip ko? Kahit na pasuplada pa ang mga banat ko sa 'yo?" balik-tanong ko sa kanya para mawala sa akin ang focus ng topic namin.

Because Bobby was tall, he did not have to make an effort to look up and meet my eyes. He caught my gaze then smiled.

"Because I was beginning to notice you..." he said in a hushed tone, his beautiful dreamy eyes not leaving my eyes.

'Tang 'na. Heto na naman ang nang-aakit niyang mga mata.

Masuyo niya akong hinapit palapit sa kanya. He put his hand on my hips. "Unang beses pa lang na magpunta ako sa bahay n'yo ay nag-umpisa na akong mapansin ka. The way you deliver curse words out loud and without hesitation. You're mean but funny. And your mannerism of rolling your eyeballs was kind of cute."

He thought for a while. "It actually suprised me knowing I was beginning to notice it all. And I did find it weird because these things were glued to my mind. Iyong meron lang akong maririnig na nagmumura o kaya ay 'yung namimintas ng walang habas at bigla ay maaalala kita and then..." He stopped and licked his lower lip.

Malambing kong sinuklay ang buhok niya. "And then what?"

The corner of his lips quirked. "And then I would smile everytime... Like it's a good thing to remember."

May mayabang na ngiting sumilay sa labi ko. "I am a good thing to remember..."

"You are..." he said huskily while meeting my gaze head on. "Definitely."

I flipped my hair while there was a smug look on my face. "Oh, well... Ganda ko lang talaga."

He just laughed quietly.

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa tabi niya. "Nalasing kayong lahat?" curious kong tanong.

"Yeah. Tipsy but not overly drunk. Hindi naman kasi kami sanay na uminom. Pero alam pa rin namin ang ginagawa namin."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now