Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate

19.4K 428 257
                                    

"Babalik si Bobby, anak... Sasagutin lang niya ang tawag..." pang-aalo ni Tita kay Elvie kay Kate ay niyakap ito.

Gusto kong bumalik sa kinahihigaan ni Kate para pakalmahin siya dahil naaawa ako kay Tita Elvie na mangiyak-ngiyak na naman dahil sa awa sa sinapit ng kanyang bunso. Pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan kong makausap si Ashley.

Paglabas ko ng suite room ni Kate ay naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napahipo ako sa batok ko at minasahe iyon.

Then I swiped the screen of my cellphone and answered my Gracie's call. "My Gracie..."

"Nakawalong ring bago mo nasagot-" mataray niyang bungad sa akin.

Napangiti ako. Nagtataray na siya. Hindi dahil nagdududa siya kundi dahil nag-aalala siya kapag hindi ako agad sumasagot sa tawag sa cellphone lalo pa at alam niyang nasa labas pa ako at gabi na.

Napakamot ako sa ulo. "Sorry... Kausap ko pa kasi sina Tita Elvie-"

Ayoko nang sabihin na kaya hindi ko agad nasagot ang tawag niya ay dahil pinipigilan ako ni Kate. Lalo lang siyang maiinis kay Kate.

At ayoko na siyang bigyan ng dahilan para lalong mainis kay Kate.

"And'yan ka pa?!" malakas niyang sabi sa kabilang line. Bigla ko tuloy naiwas ang cellphone sa tenga ko. Ang tining kasi ng boses niya at talagang malakas. "Alas onse y media na, ah."

Napakamot ako sa ulo. Heto na nga ba ang sinasabi ko.

Pero bago pa ako nakapagsalita para mag-explain ay agad siyang nagsalita.

"Alam mong may lakad tayo bukas, 'di ba? O baka nakalimutan mo na?"

"Hindi ko nakakalimutan," mabilis kong sagot.

"Sige nga, ite-test kita. Ano ang lakad natin bukas?"

"Your meeting with Dean Lily Diaz... 10AM ang appointment mo."

Dean Lily Diaz was the Dean of Student Affairs in HFU. Sa tulong ni Lucas, baka makabalik at makapag-enroll na next semester si Ashley sa HFU.

"See?" sabi ko nang hindi siya sumagot. "I told you, hindi ko nakakalimutan. Pwede ko bang kalimutan ang mga lakad natin? When I love being with you every minute of my life? Na kahit hindi kita kasama naiisip kita..." malambing kong sabi.

"Very good kung gan'on," aniya. Wala na ang katarayan sa boses. Maybe she was already smiling.

And my heart swelled at the thought of her smiling. I loved the way she smiles. Sumisingkit lalo ang mga mata niya. She looked really sassy and cute.

"Eh, bakit nariyan ka pa?" she asked again.

Hindi ako agad nakasagot.

She tsked. "Alam ko na kung bakit nariyan ka pa. Multiple choice. A, dahil matagal kayong hindi nagkita ng pamilya ni-" Huminga siya nang malalim na parang pina-pacify ang sarili. Alam kong naiinis ang tono niya.

Dinig ko iyon sa paraan ng pagsasalita niya. Her tone was edgy.

Parang kulang na lang ay maghamon ng away.

"Ng ex-girlfriend mong nag-iinarte at nagkakumustahan at nagkakwentuhan kayo dahil naging close ka naman kamo sa kanila. B, Nag-eye-to-eye contact kayo ng ex-girlfriend mong nag-iinarte at bigla ay lalong nag-inarte nang makita ka. C, Ang ex-girlfriend mong nag-iinarte na lalong nag-inarte nang makita ka ay ayaw ka ng pauwiin at nagpaawa na sa mga pasang tinamo niya sa boyfriend niyang dyombagero. Or D, all of the above..." dire-diretso at nangigigil niyang sabi.

I chuckled. Gusto kong tumawa nang malakas pero hindi ko magawa dahil nasa hallway ako ng hospital na tahimik na tahimik ang paligid.

Pucha. Alam na alam ni Gracie ang nangyayari. May sapi na rin yata ni Miranda na malakas ang vibrations. O talagang ganito lang ang mga babae na malakas ang pakiramdam lalo na at involved ang ex-girlfriend ng boyfriend?

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now