Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki

Magsimula sa umpisa
                                    

At lalong lumuwang ang ngiti ko nang makita kong suot din niya ang ID na ipinagawa ko. Ipinakopya ko iyon pati na ang ID lace ng HFAB.

He really looked like a school boy.

A very cute school boy at that.

I gazed at my Robert Aldus lovingly. I brushed the hair up that went down to his forehead.

"Kung nakita lang kita noong grade school tayo malamang ay maging super crush kita dahil sa ka-cute-an mo. Ganyan ka pala ka-cute noon."

Bobby smiley grinned. There was a smug look on his face.

"He would have been a lot cuter if he is sporting the-" Jacob gestured a quote-unqoute sign with his fingers. "-famous haircut."

Then he roared a bark of laughter. Umaalog pa ang mga balikat ni Jacob sa katatawa.

Bobby mouthed 'fuck you' to Jacob habang pareho kaming natatawa.

Alam ko ang tungkol sa 'famous haircut' na iyon.

Iyong haircut na nasa tuktok lang ang buhok. Bobby sported that haircut when he was in grade school and he claimed that it was Jacob's fault.

Nilagyan daw kasi siya nito ng bubble gum sa buhok noong panahong magkaaway pa sila noong grade school.

At walang nagawa si Bobby kundi ang magpagupit ng ganoong estilo ng haircut para maalis ang bubble gum na kumapit sa buhok niya.

Lumapit si Bobby kay Tita Liezel at humalik sa pisngi nito. Pagkatapos ay lumapit kay Lolo Jose na nagkakape sa sala para magmano.

"What famous haircut?" curious na tanong ni Miranda. Pareho silang nasa harapan ng kalan ni Tita Liezel samantalang si Jacob ay nakaupo sa dining chair.

"'Yung 'satu'..." sagot ni Jacob at natawa nang malakas ulit.

Natawa rin si Bobby. Lumapit siya kay Jacob at inilagay ang braso sa leeg ni Jacob at itinapat ang bibig sa tenga ni Jacob.

"Fuck you, bro... Fuck you..." mahinang sabi ni Bobby sa tenga ni Jacob na ikinahagikgik ko.

Mabuti na lang at busy si Miranda sa pagluluto ng puto.

Lalo lang natawa si Jacob. Umupo si Bobby sa tabi ni Jacob at kunwari ay tiningnan ito nang masama.

Lumapit sa amin si Miranda. "Anong 'satu'?" kunot-noong tanong niya.

"Sa tuktok lang ang buhok," sagot ni Jacob at tumawa nang may pang-aasar.

Umigkas ang kamay ni Bobby at k-in-arate si Jacob. Pero mabilis ang reflexes ni Jacob at agad na nasangga nito iyon.

Nakangiti lang kaming lahat na naroroon habang pinagmamasdan ang paghaharutan nina Bobby at Jacob na nagiging pisikalan na. And both guys exuded sex appeal in different ways.

Kung naging babae lang sila, ang haharot siguro talaga nila.

"Alam mo bang napakapilyo at naughty niyang boyfriend mo noong grade school kami, Mira?" ani Bobby sa tonong nagsusumbong. "Nampapatid, nagtatago ng notebook ng may notebook at higit sa lahat, naglalagay ng bubble gum sa buhok ng may buhok."

Nandidilat na napatingin si Miranda kay Jacob. Tumawa nang malakas si Jacob.

"Maniwala ka sa kanya, baby," malambing nitong sabi kay Miranda. "Ang bait-bait ko n'ung grade school. Hindi ako napapatawag sa principal's office. Pero dahil sa kanya-" Inginuso nito si Bobby. "-Napatawag ako."

Bobby smiled. Biglang lumambot ang ekspresyon nito. "Napatawag kaming dalawa. Dahil sa akin," pag-amin niya.

"See?" Jacob said.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon