Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family

Start from the beginning
                                    

Bobby gently touched my cheek and looked at me with his loving dreamy eyes. "If you want to back out, we will..." malambing niya sabi.

Suportado talaga niya ako sa bawat desisyong gagawin ko.

"But the thing is..." he continued in a serious note. "I know that you feel otherwise. I know in your heart, you wanted this-to see them..."

Bull's eye, Ash?

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Miranda ilang araw na ang nakakaraan nang tanungin at hingin ko ang advice niya tungkol dito.

"ASK YOUR HEART..." Miranda told me when I told her about my predicament about my dad wanting to see me.

"Hindi mo ba talaga gustong makita ang daddy mo at ang buong pamilya niya? Hindi ka ba talaga curious sa gusto nilang sabihin sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

Mataman siyang tumingin sa akin. Iyong tingin na nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ko at kaluluwa ko.

Ganoon ang tingin ko sa tingin na ibinigay ni Miranda sa akin.

Miranda gently held my hand. Nakaka-guilty na ako dapat ang magpakita ng care sa kanya dahil kagagaling lang niya sa lagnat pero heto at siya ang nag-aalala para sa akin.

"Sa nakikita ko kasi, Ash, iba ang sinasabi mo kaysa sa nararamdaman mo. And I can feel that you want to see your father. Not because you are curious of what he's going to tell you but because you miss him-because he is your father..."

And for the nth time, tama na naman si Miranda sa hinala niya sa akin.

I wanted to see my father. I missed him.

Ganoon siguro ako kabaliw. Galit ako pero nami-miss ko siya. Galit ako pero gusto ko siyang makita at malaman kung kumusta na siya.

"You love him..." Miranda continued. "Ayaw mo lang ipakita kasi feeling mo, talo ka. Ikaw, mahal mo siya pero feeling mo ikaw ay hindi ka niya mahal kasi pinabayaan ka niya."

Humigit ako ng isang malalim na hininga. Unti-unti ay naaapektuhan na ako ng mga sinasabi ni Miranda.

Because she was right. Fucking so right.

Miranda fondly touched my cheek. Alam niyang naiiyak na ako. She smiled at me. Her intelligent and kind eyes boring into mine.

"Try to talk to your father. Baka mali ka ng iniisip tungkol sa kanya. Minsan kasi ang mga tatay, hindi showy sa mga emotions. Siguro dala ng culture natin. Ang tingin kasi natin sa mga tatay, astig, eh. Kaya nagpapaka-astig sila para mapanindigan nila. Siguro feeling ng mga tatay, kapag nagpakita sila ng emosyon, people will tag them as weakling. Gan'un siguro ang mga tatay. Pero hindi nangangahulugang wala ka ng halaga sa kanya."

"You think so?" I was on the verge of tears. My lips were quivering.

Hindi na ako nahihiyang magpakita ng luha sa ibang tao.

Pinahid ni Miranda ang namuong luha sa gilid ng mga mata ko. "I think and feel so," walang gatol niyang sabi. "At walang gusot ang hindi naaayos sa magandang pag-uusap. Talk to him when you are ready. At tingin ko ngayon na ang tamang panahon... You are more than ready, Ashley Grace."

Niyakap ko si Miranda. "Thank you so much..."

"You are welcome. And please don't think that you are not lovable just because you think people don't want you in their lives," aniya na ipinaiintindi ang bawat salita sa akin.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now