Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone

Start from the beginning
                                    

Tumanggi ako.

Kahit gaano ako ka-bitch at kapasaway noon, natatakot akong tumirang mag-isa.

Iniisip ko pa lang na titira ako sa isang bahay na walang kasama ay naninindig na ang mga balahibo ko.

Siguro ay may trauma ako sa ginawa ng gagong si Tiago Gomes.

O dahil ang totoo ay lubha akong maaawa sa sarili ko kapag nagsolo akong tumira sa isang bahay.

Iyong walang kasama. Iyong wala man lang magtatanong sa akin kapag umuwi ako kung kumusta na ako at kung kumain na ba ako o kung naging maganda ba ang araw ko.

Kahit na paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong sanay na akong mag-isa, sa kaibuturan ng puso ko, hinahanap-hanap ko iyon.

Iyong taong nagki-care para sa akin.

Kaya naman pinakiusapan ko si Tita Liezel na doon na muna ako sa kanya. Alam kong ayaw ni Congressman na may ibang kasama si Tita Liezel.

At in fairness kay Tita Liezel, siguro ay ipinaglaban niya ako kay Congressman at napapayag niya ito sa kondisyon na wala ako dapat doon kapag darating ito.

Thus, my road trips.

May mga panahon na kapag nagro-roadtrip ako ay naiiyak ako sa awa sa sarili ko. I had nowehere to go. Parang NPA-No Permanent Address.

Kahit saang hotel ako abutin ng gabi ay doon na ako nagi-stay. Mag-isa lang din ako sa hotel pero at least, isa o dalawang gabi lang.

At dahil takot nga akong mag-isa, ibino-volunteer ko na lang minsan ang sarili ko sa mga institution.

Tulad na lang ng institution para sa mga rape victims sa parteng Laguna.

My heart went out to those girls. At nagpapasalamat akong naging palaban ako kaya hindi natuloy ang maitim na balak ng putang inang si Tiago Gomes sa akin.

At isinisisi ko lahat iyon sa mga magulang ko.

Kina Percival Lim at kay Anna Linda Fernandez-Gomes.

Sa kanilang dalawa. Dahil kung hindi sila parehong dispalinghado at mga pasaway at mga kulang sa pansin, hindi ako magiging NPA. Hindi ako magiging bitch. Hindi ako magiging pasaway.

Pero hindi ka rin magiging palaban at matapang, Ashley, bawi ng isang parte ng utak ko.

Napaisip ako.

Sabagay.

Everything happens for a reason... Iyon ang madalas na sabihin ni Miranda sa akin.

At siguro nangyari ang mga nangyari para tumapang at maging palaban ako.

Dahil sadly, naging weak ang mga parents ko.

Lalo na sa naging illicit affair nila. Hindi nila alam na may malaking epekto iyon sa akin habang lumalaki ako.

Ilang beses ba akong nasabihang 'anak ng kabit'? Illegitimate child?

Na darating daw ang araw na magmamana raw ako sa nanay kong malandi. Ako raw ang future kabit.

Ganoon ka-brutal ang mga salitang ibinabato nila sa akin. Ganoon ka-judgmental ang buong mundo sa mga illegitimate children.

Na para bang kilalang-kilala na nila ako at ang mga pinagdadaanan ko. Na para bang kasama ko sila sa araw-araw na ginawa ng Diyos para i-judge nila ako.

Gayong hindi naman nila nakikita ang palihim kong pag-iyak sa tuwing nangangako ang daddy ko na darating siya sa isang okasyon sa buhay ko tulad na lang ng birthday ko pero hindi nakakatupad dahil mas kailangan niyang unahin ang tunay niyang pamilya.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now