Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother

Start from the beginning
                                    

"Me, I'd drink whiskey...Pampa-relax...Pampatulog," esplika niya habang hawak na ang wine glass na merong lamang whiskey, na para bang importante pa na malaman kong pampatulog lang niya ang alak.

Tumango lang ako at matipid na ngumiti.

Umupo siya sa tapat ko at pinagmasdan ako. "Are you a Filipino? Or?..." sadyang ibinitin niya ang tanong.

"Filipino, Ma'am," proud kong sabi. "We met in HFU..."

"Ah..." aniya at tumango. Pagkatapos ay tumungga sa baso niya ng alak at humitit ng sigarilyo. At pagkatapos ay inilabas ang usok patagilid sa akin. Pero ang mga mata niya ay nananatiling nakatingin sa akin.

Tumungga ulit siya ng alak sa baso at inubos na ang laman niyon. Napangiwi pa siya nang ibaba niya ang wine glass sa center table. "What did you say your name is? I'm sorry, I didn't get it when you mentioned it."

Matipid akong ngumiti. "Robert Aldus Gallego, Ma'am... Just call me 'Bobby'."

She raised an eyebrow at me. "Gallego? How are you related to the renowned Gallego doctors in the Philippines?"

"They're my family, Ma'am..." sagot ko kasabay ang isang nahihiyang ngiti. "Doctors Robert and Ave Gallego are my parents."

"Oh," bulalas niya habang nakataas ang isang kilay. I can see from her expression that she was impressed.

Thank you, Dad and Mom... naisip ko.

Muli siyang tumayo at tinungong muli ang bar. Kinuha na niya ang bote ng whiskey at dinala na sa center table. Pati na rin ang isang ashtray.

"Kumusta naman si Ashley?" tanong niya habang nagsasalin ng alak sa wine glass. "Is she... okay?" she asked a little hesitantly on the last word.

I heard the concern in her voice. Nabuhayan ako ng loob. It was a good sign.

Nabanggit kasi ni Ashley na nawalan na sila ng communication ng ina niya ilang araw pagkatapos niyang bumalik sa Pilipinas. Galit ang ina niya sa huli nilang pag-uusap dahil bumalik si Ashley sa Pilipinas nang hindi nagpapaalam sa ina.

Ang hindi alam ng ina niya ay may ginawang katarantaduhan ang stepfather niya sa kanya.

"She's doing good, Ma'am..."

Iwinasiwas ng babae ang kamay na may hawak na sigarilyo. "Call me Tita Linda. Tita Linda will do," aniya at humitit muli ng sigarilyo. Idinutdot niya iyon sa ashtray.

Pagkatapos ay tumango siya at napangiti. Halatang nasiyahan sa narinig na okay si Ashley. "Good to hear that she's doing good," she continued. Pagkatapos ay napailing. "Ang babaeng 'yon, umalis dito nang walang paalam at kaabug-abog. "

Tita Linda let out a long sigh. "Sabagay, gan'on talaga ang batang 'yun. Kung ano ang maisipang gawin ay ginagawa..."

Hindi ako nakakibo. Kung pwede lang na sabihin ko kay Tita Linda ang totoong dahilan kung bakit umuwi si Ashley sa Pilipinas nang walang kaabug-abog. But I promised my Gracie na sikreto lang namin iyon.

Ashley's mother has to know. She is her mother... singit ng isang parte ng utak ko.

Bumuntong-hininga si Tita Linda. "So, Bobby... What brings you here? Sigurado akong hindi ka lumipad papunta rito para lang makilala ako." Sinundan niya ng isang sarkastikong tawa ang huling sinabi. "No boyfriend will do this for a girl, lalo na at girlfriend pa lang."

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Actually, Tita Linda, wanting to meet you personally is one of my reasons for flying in here. Gusto kong makilala ang pamilya ni Gracie ko, maliban kay Tita Liezel and specifically her mom."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now