Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party

Start from the beginning
                                    

Bobby laughed quietly at marahang umiling. "Cobi is more newsworthy than I am-than all of us. Siya ang pinakasikat na player sa buong NUAP based on the poll made by a sports magazine. He's the top pick."

Tumingin ako sa kanya. Nasa tapat na kami ng elevator at naghihintay na bumukas iyon. Meron kaming kasabay na isang magpamilya na merong dalawang batang babaeng anak. I smiled at the little girls and they smiled back at me.

Hindi na nangingimi ang mga bata sa akin ngayon. Siguro ay dahil ngumingiti na ako sa kanila at hindi na mataray ang ekspresyon ng mukha ko.

Hindi tulad noon.

"Talaga? Hindi ko alam 'yun."

He smirked. "Hindi ka kasi nagbabasa," pang-aasar niya pero masuyo naman ang pagkakasabi. Napatingin tuloy sa amin ang mommy ng dalawang batang babae at ngumiti. Narinig din niya marahil ang biro ni Bobby.

I giggled at masuyo siyang pinalo sa braso. "Inaantok ako kapag nagbabasa," natatawang depensa ko sa sarili. "Hindi ako si Miranda na gising na gising kapag nagbabasa."

"Cobi's the most popular of all NUAP basketball players. Andrew came in at fourth place-"

"Eh, ikaw?" putol ko.

Bumukas ang pinto ng elevator. Pinauna muna namin nina Bobby ang magpamilya na sumakay.

"Sixth place," kaswal na sabi ni Bobby. Wala sa tono ang pagyayabang. Pinauna niya akong sumakay sa elevator habang hindi nagbibitiw ang mga kamay namin at pagkatapos ay siya ang huling sumakay.

Nandilat ang mga mata ko. I felt so proud. "Wow! Not bad, huh. Ang galing ko talagang pumili ng boyfriend." Papilyang itinaas-baba ko ang mga kilay ko sa kanya. He smiley grinned.

Pati ang mag-asawang kasama namin sa elevator ay napangiti sa tinatakbo ng usapan namin ni Bobby. Tumingin ako sa kanila habang merong proud na ngiti sa labi ko.

Pagdating ng seventh floor ay bumaba ang mag-anak. Kumaway pa sa akin ang dalawang bata na kinawayan ko naman pabalik. Naiwan kami ni Bobby sa loob ng elevator. Hinila niya ako at inayakap niya ang mga braso sa leeg ko mula sa likuran.

My most comfort zone.

Isinandal ko naman ang likuran ko sa dibdib niya. Pagkatapos ay malambing niya akong hinalikan sa punong tenga ko.

Shit, shit, shit. I could feel the bulge from his board shorts. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.

"Cobi also tops the most popular among all NUAP athletes," he continued. Then he looked at me in the eye at my reflection at the elevator door. "Guess, who came in at third spot..."

I bit my lower lip. Base sa nakikita kong walang kangiti-ngiting reaksyon niya, alam ko na kung sino ang atletang tinutukoy niya na pumangatlo sa pinakasaikat sa lahat ng atleta sa buong NUAP.

Akki Eliseo.

Hinarap ko siya. "It's the guy-who-must-not-be-named-because-you-might-get-jealous-again," nakataas ang isang kilay na sabi ko. "Right?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Bobby. "Better not mention his name," aniya habang nakasimangot. "It comes with bad luck," naiirita niyang sabi at saka ako hinila palabas ng floor namin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang may aagaw na naman sa akin sa kanya.

But I liked it. His possessiveness. The feel of it.

Fuck shit, Ash! Ang landi lang?

Masuyo ko siyang pinalo sa likod. "Ang bad mo," natatawa kong sabi.


PAGKASARANG-PAGKASARA NG pinto ng executive suite namin ay agad akong isinandal ni Bobby sa wall, cupping my face with his both hands and claiming my mouth in a possessive and passionate kiss.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now