Chapter 33 : Kiss And Make Up

Start from the beginning
                                    

Hindi na talaga maaalis sa gitna namin ang bruhang Kate na iyon.

Maya-maya ay tumayo ako at pumunta sa kusina. Bitbit ko ang cellphone ko dahil deep inside my heart ay umaasa akong tatawagan niya ako.

Uminom ako ng tubig para ma-pacify ang inis na nararamdaman ko. Pagkatapos ay naupo ako sa silyang laging inuupuan ni Bobby kapag nasa dining table kami.

Iyon ang pwesto niya na madalas niyang upuan at kung saan madalas naming gawin ang dessert. Pinagmasdan ko ulit ang gwapong wallpaper picture niya sa cellphone ko.

"I love you, my Gracie. You're the only one for me. At sa 'yo ako saanman tayo makarating-sa buhay kong ito at sa susunod pa. Ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin ko dahil alam kong sa 'yo ako magiging masaya ng sobra..."

My Robert Aldus told me that during one of our dessert moments-habang isa-isang masuyong hinahalikan ang parte ng mukha ko mula sa noo, sa ilong, sa pisngi at laging nagtatapos sa labi ko. Then he would kiss me passionately telling me over and over again how much he loves me in this lifetime and the next.

Napapikit ako when I thought of him. Bahagya pa akong napangiti. Pero saglit lang dahil pumalit ang huling ekspresyon niya bago kami maghiwalay kanina.

Ang malamig niyang tingin na maski paano ay kinatakutan ko. Ito yata ang unang pagkakataon na natakot ako kay Bobby ng totohanan.

Bumuntong-hininga ako at lumabi. Ako pa ba ang magso-sorry? He compared me to his fucking ex-gilrfriend!

Did he really? singit ng isang parte ng utak ko. Or you just assumed it because you did not even let him finish his sentence?

Napaisip ako at binalikan ko ang pangyayari sa amin kanina. Before I flared up.

Talaga nga bang ikinumpara ako ni Bobby sa bruhang si Kate? Kaya nga bang gawin iyon ni Aldus sa akin gayong alam niyang asar ako sa bitch niyang ex-girlfriend?

Pumikit ako at kinapa ko ang sarili kong damdamin.

He would never ever do that to you... Never... parang ipinagsisigawan ng puso ko.

No misunderstanding is bigger than your love for each other, parang naririnig kong sinabi sa akin ni Miranda noong panahong ayokong kausapin si Bobby. Ang pagmamahal kaya kang pasayahin, eh, ang pride? Kaya ka ba niyang mapasaya kapag pride ang pinili mong pairalin over love? There's no way pride can make you happy. But love is. Always...

You're such a bitch for pushing Bobby away, Ashley Grace, pangaral ng isang parte ng utak ko. Hindi ka na makakahanap ng lalaking tulad niya kahit na sabihin mong maraming lalaki sa paligid.

'Tang 'na! Fuck shit! Bakit ba pinairal ko agad ang pagiging bitch ko?

I pressed his number. Bigla akong nag-alala para sa kanya. He was driving. And he was angry. Hindi magandang pagsamahin ang dalawang iyon.

But his cellphone was off.

At noon ko na-realize na empty batt nga pala ang cellphone niya. Kanina pa iyon bago kami umalis sa bahay nina Ate One. Ni hindi pala siya nag-charge ng cellphone sa sasakyan.

Eh, inaway mo 'yung tao, paanong makakapag-charge ng cellphone niya?

Napahilamos ako sa mukha. "Shit! Ang tanga ko! Ang gaga-gaga ko!" naiinis kong sabi sa sarili.

Tumayo ako at nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko para kunin ang susi ng sasakyan ko at magbihis na rin ng shorts. Hinubad ko ang grass skirt na suot ko. Paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko si Tita Liezel sa hallway. Siguro ay narinig niya ang patakbong mga yabag ko kaya napalabas ng kuwarto

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now