Chapter 28 : Meet The Parents

Start from the beginning
                                    

But with Bobby? God, he would. And I was excited and scared and... God, pamilya ni Bobby ang pinag-uusapan. At naramdaman kong excited siya habang sinasabi iyon sa akin. He even asked me kung ano raw ba ang gusto kong dishes para iyon ang maluto bukas para sa lunch.

Bobby was exerting so much effort and I was touched. First time ito para sa akin.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" nakalabing balik-tanong ni Miranda na nagpaputol ng mga iniisip ko. "Syempre magugustuhan ka nila. You are Bobby's girlfriend. The love of his life."

Hindi ako sumagot. Gusto kong makilala ang mga magulang ni Bobby. Sila ang nagdala kay Bobby sa mundong ito. Ang nagpalaki kay Bobby at nag-mold kay Bobby into a sweet, caring and loving guy. I owed Bobby's parents my happiness. Pero matatanggap ba nila ako para sa nag-iisang anak nilang lalaki at magdadala ng pangalang Gallego? Matatanggap ba nila ang isang tulad kong illegitimate child?

Kahit na ilang beses pang sabihin ni Bobby na mababait ang mga magulang niya, hindi ko maiwasang mag-alala ngayon pa lang.

"I am no Kate, Miranda," seryoso kong sabi at puno ng insecurities. Nai-insecure talaga ako kapag ikinukumpara ko ang sarili ko kay Kate. She had everything, including Bobby. She had two years of Bobby compare to my just months with him. Iyon nga lang, ibinasura lang iyon ni Kate. "Walang-wala ako kay Kate. Hindi ako galing sa isang maganda at buong pamilya," I continued. "Hindi ako mahinhin at prim and proper. I have a bad reputation in school. Ilan ang b-in-ully ko, at kasama ka na r'on. And worst of all, anak ako sa-"

Miranda held both my hands to stop me from downgrading myself. Parang gusto ko na ngang maiyak. Finally ay nasabi ko na rin kay Miranda ang lahat ng takot at insecurities ko.

"That was all in the past now, Ashley Grace," aniya and gave me an encouraging and kind smile. "You're maybe no Kate. You may be an illegitimate child at kung sa tingin mo ay wala kang pwedeng ipagmalaki sa pamilya ni Bobby, you are wrong. Meron kang pwedeng ipagmalaki sa mommy ni Bobby at iyon ay mahal mo si Bobby at napapasaya mo ng sobra ang anak nila."

"Would that be enough?" malungkot kong tanong.

"It is more than enough, Ashley Grace," malambing niyang sabi at ngumiti. "Because you can't buy a person so much happiness like you do to Bobby. It's priceless. At doon pa lang ay priceless ka na sa kanila dahil lahat ng mga magulang ay gustong laging masaya ang mga anak nila," pagpe-pap talk pa ni Miranda sa akin habang masuyong hinihimas ang likod ng palad ko.

God, thank you for Miranda, sabi ko sa isip.

Maski paano ay naibsan ang pag-aalinlangang nararamdaman ko sa mga sinabi ni Miranda. Maybe my fears were unfounded. Ipapakita ko sa kanila kung gaano ko kamahal si Bobby at kung gaano ako ka-deserving sa pagmamahal ni Bobby sa akin. That would be the best thing to do.


"SINU-SINO ANG NARIYAN?" tanong ko kay Bobby bago kami pumasok sa loob ng bahay nila. Hawak niya ang kamay ko.

Bobby's house was a two-storey mansion in a posh subdivision in Pasig City. Malaki ang bakuran nila. Meron nga silang half-court sa tabi ng malaki nilang garahe. Meron ding mga durable plastic playground equipment tulad ng slides, seesaw at swing sa gitna ng garden. Siguro isinet-up para sa mga pamangkin ni Bobby kapag pumupunta ang mga ito sa mansion nila.

Bobby smiled and looked at me. "My parents and my three older sisters."

"Wala ang mga pamangkin mo?" tanong ko. It was just a delaying tactic. Parang natatakot pa akong pumasok sa loob ng bahay nila.

Bobby gently touched the corner of my lips with his thumb. "Saka na lang kita ipapakilala sa kanila. Sa teacup party nila."

"Teacup party ng mga maliliit mong pamangkin?"

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now