Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane

Start from the beginning
                                    

Saan nanggaling iyon, Ash, tanong ko sa sarili ko.

Bakit nga ba bigla ay naisip kong masarap maging kaibigan si Miranda at hindi na isang karibal? Mortal na karibal ang turing ko kay Miranda pagdating kay Jacob.

Ngayon ay naiisip ko na ang salitang 'kaibigan' kay Miranda.

Pero ang malaking tanong ay kung gusto ba akong maging kaibigan ni Miranda? Sa kabila ng ginawa kong pambu-bully sa kanya at pagtawag sa kanyang basura at pagtatapon ng bag niya sa basurahan dahilan para mapahiya siya sa ibang estudyante.

Mapapatawad pa ba ako ni Miranda? Gugustuhin ba niya akong maging kaibigan?

I doubt. Walang may gustong makipag-kaibigan ng totohanan sa akin dahil sa mga ginawa ko.

Nagulat ako nang biglang humarap si Bobby sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin. I blushed. Naalala ko kasi ang mga pangyayari kanina.

Then he smiled. It was not a naughty smile with wicked thoughts in it. It was a tender smile with full of fondness. Tama ba ang nakikita kong iyon sa ekspresyon sa mukha niya o dinadaya lang ako ng paningin ko?

Bigla kong isinara ang pinto. Paano ko ba siyang haharapin?

God, we were about to go there a while ago. Nahihiya tuloy ako.

I paced the room. Relax. Dapat kalma lang ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas at maya-maya ay nakarinig ako ng isang mahinang katok sa pinto.

'Tang 'na. Pa'no ko haharapin si Bobby?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Bobby.

Pinapormal ko ang mukha ko. Hindi na ako dapat magpadala sa 'tang 'nang cute smiley grin na 'yan. "What?" I asked.

He bit his lower lip, suppressing his naughty smile. "Wala ng housekeeping..."

I swallowed. "So?" kunwari ay mataray kong tanong.

He shrugged his shoulders. Pero kakikitaan naman ng kapilyuhan ang ekspresyon ng mukha. "Wala ng housekeeping..."

Tiningnan ko siya ng masama. "Ano ngayon?"

He locked gazes with mine. Nasa labi pa rin niya ang isang pilyong ngiti. Pagkatapos ay itinaas-baba ang mga kilay.

Bumalik sa alaala ko ang fresh na fresh pangyayari kanina.

I blushed. He chuckled when he saw me blush.

Pinagsusuntok ko siya sa tiyan. "Perv! Perv!" Bakit hindi ko magawang maasar ng totohanan sa kanya?

Natatawang umiwas siya at hinuli ang dalawang kamay ko. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Automatic naman na iniyakap ko ang mga braso ko sa beywang niya. Hinalikan niya ako at sa tuktok ng buhok ko.

Tiningala ko siya at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Bigla ay nawala ang hiya na nararamdaman ko dahil sa pagkukulitan namin.

He gently pinched the tip of my nose. "Nawala na nga ang housekeeping, room service naman ang pumalit." He wrinkled his nose. And he looked cute with that. "Mga istorbo," he added amusingly.

Inirapan ko siya. "Per...Vert..." Kinurot ko siya ng pino sa likuran at napaigtad siya.

"Come... I ordered food. Let's eat." Masuyo niya akong hinila sa kamay at iginiya papuntang dining area.

Hinila niya ang isang upuan para sa akin at nang makaupo ako ay siya naman ang umupo sa tabi ko.

Inalis niya ang takip ng mga pagkain. "Sorry, no fries available. Kaya itong mashed potato with garlic sauce na lang in-order ko. But they say it's yummy so I took their word for it and ordered it." Inilagay niya iyon sa harapan ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now