Chapter 9 : The Movie Date

Start from the beginning
                                    

Isang mahinang tawa ang isinagot ko. "Makapuri ka, 'Ta, wagas."

"Kapag nanligaw siya sa 'yo, sagutin mo agad. Good catch, eh."

Napangiti ako. Halos sarkastiko. "Kung manligaw. Pero suntok sa buwan iyon dahil hindi ako ang tipo ng babaeng magugustuhan ni Bobby. Ang gusto n'un, 'yung mga mahihinhin, pouty ang lips at higit sa lahat-" Itinaas ko ang pa ang daliri ko para mas mabigyang emphasis ang sasabihin ko, "Galing sa disenteng pamilya tulad na lang ng ex-girlfriend niya. 'Yung kapareho niya."

Magsasalita sana si Tita para kumontra pero inunahan ko na siya. "At wala ako ni isa sa katangiang 'yun," medyo bitter kong sabi. Hindi ko alam bakit may kurot sa puso ko ang thought na iyon. "Hindi ako mahinhin. In fact, I am a bitch and quite vulgar with my words. Mataray ako. Hindi pouty ang lips ko. At higit sa lahat at ang pinakaimportante sa lahat, hindi ako galing sa isang disenteng pamilya."

Tumingin ako kay Tita Liezel at nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. Halatang nasaktan siya sa sinabi ko. But it was the truth. And the truth always, always hurts. Like it was doing to me everytime I acknowledge the truth to myself.

"So, hindi tayo disenteng pamilya," parang wala sa sariling sabi ni Tita Liezel. It was more of an acknowledgment.

Lumabi ako at inakbayan siya. "Hindi naman talaga, 'Ta, 'di ba?" And the truth fucking hurts.

Hindi nakasagot si Tita. Isang pilit na ngiti ang isinagot niya at pagkatapos ay naglabas ng isang malalim na buntong-hininga. "Halika na nga," yaya niya. "Naghihintay na si Coco Martin sa ibaba."

Sinimangutan ko si Tita Liezel. "Duh. Cheap mo, 'Ta, ha? Hindi s'ya kamukha ni Coco Martin dahil mas gwapo pa s'ya kay Coco Martin."

Tita Liezel gigled. "Whatever."

HABANG PABABA AKO ng hagdan ay agad na tumayo si Bobby mula sa pagkakaupo sa sofa at tiningnan ako. Tinitigan ang tamang salita.

He was holding my gaze while there was this cute smiley grin on his face. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong mapagmasdan siya.

He was wearing a Dolce & Gabbana white t-shirt with a big peace sign on the middle. A pair of jeans both ripped at the middle of his thighs and a little on the knee, and a pair of sneakers. Hindi na niya suot ang Piaget watch niya kundi isang chronograph wristwatch na.

He looked hot in his ripped jeans. His dreamy eyes were holding mine. Nakita ko rin ang pasimple niyang paghagod ng tingin sa akin, mula sa mukha ko pababa.

Your stare was holding/ Ripped jeans skin was showing / Hot night wind was blowing / Where you think you're going, baby? / Hey, I just met you / And this is crazy...

I pursed my lips. Nagiging corny na ako sa mga thoughts ko. Akalain mong pati kanta ay maisip ko dahil lang kay Bobby?

"Hi," Bobby said when I reached the bottom of the stairs. His voice was almost beathless but still holding my gaze.

"Hi," matipid kong sagot then smiled.

"Good to see you again," he fondly said.

"Good to see you again," ulit ko sa sinabi niya. At sigurado akong umikot ang mga eyeballs ni Tita Liezel-na nasa likuran ko lang naman-dahil doon sa pag-ulit ko sa mga salita ni Bobby. Wala kasi akong masabi kaya inuulit ko na lang ang mga sinasabi ni Bobby. Na-blangko ang utak ko sa dreamy eyes niya.

Duh, Ashley. Fucking duh.

I cleared my throat, wet my lips, organized my thoughts and then smiled-all while looking into Bobby's eyes. "Am I overdressed?" I asked, finally getting conscious because of the kind of holding stare Bobby was giving me. Bahagya ko pang hinila pababa ang hem ng dress ko. Baka masyado maikli sa panlasa ni Bobby.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now