Chapter 7 : Getting To Know Each Other

Start from the beginning
                                    

Pinalo ko siya sa tiyan. "Please lang, ha, 'wag mong titigan ang boobs ko kung ayaw mong dukutin ko 'yang mga mata mo," mataray kong sabi.

Isang malakas na halakhak ang binitiwan ni Bobby.

Pinalo ko siya ulit sa tiyan. "Sige, tawa pa more para makaagaw ka ng pansin. Pati si mamang tindero ng balot kanina ka pag pinagmamasdan."

He stopped laughing. Pero may naiwang ngiti sa labi niya at playful glint sa mga mata niya. "Ikaw ang nagsimula. Then I just made sure kung totoo ngang 34B ka kaya napatingin ako."

Sinimangutan ko siya at inirapan. Saka ako tumingin ng diretso at humalukipkip.

Ang nakaakbay niyang kamay ay masuyong kumurot sa pisngi ko habang hindi inaalis ang kamay sa balikat ko. "Tell me more about yourself, Gracie. Aside from being a cup 34B." I could imagine the playful glint in his dreamy eyes.

I pouted my lips and contemplated. Hindi ko gustong nagkukuwento ng buhay ko sa ibang tao. Ang taong pinagkatiwalaan kong kwentuhan ng ilang kwento sa buhay ko ay si Stasha. Only her.

And somehow that was what I missed about her. Because she listened. She always did. And she never gets tired of listening. But I ruined my friendship with her. Dahil sa sobrang inggit at selos. I sighed. Wala na akong magagawa sa nangyari sa amin. It was all in the past now. I could not undo the past.

I looked at Bobby sideways. He was waiting for me to talk. Well, pwede naman akong magkuwento ng konti. Without even baring all of myself.

Ang kamay niyang nakaakbay ay masuyong humahaplos sa pisngi ko habang naghihintay siyang magsalita ako.

Naglabas muna ako ng isang buntong-hininga bago nagsalita. "I am Ashley Grace Lim. And I am an illegitimate child." Agad kong tiningnan ang reaksyon niya.

Kung nagulat man siya ay hindi niya iyon ipinahalata. Kaswal na tumangu-tango siya.

"Do you know that thing about me?" I asked him. Hindi ko alam kung nakarating na iyon sa kanya. Pero sa chinese community ay kalat na kalat iyon. Ganoon kasi sa chinese community. Maliit o malaking eskandalo ay nagsi-circulate talaga sa kanila.

Marahan siyang tumango. "Someone mentioned to us in passing. I didn't know it was true then. Totoo pala," kaswal niyang sagot. Parang balewala sa kanya ang eskandalong iyon na nakatatak na sa pagkatao ko habang nabubuhay ako.

"It bothers you?" It was more of a statement than a question.

He frowned. "No," he answered immediately. "Not a bit." He was still gently rubbing his thumb on my cheek.

May tuwa sa puso akong naramdaman sa sinabi niya. "Why not?"

Meron kasi akong manliligaw na noong nalamang anak ako sa labas ay tinigilan ang panliligaw sa akin. Hindi raw iyon magugutushan ng "church" nila. At active daw siya sa church nila. Well, hindi ko naman gusto ang manliligaw na iyon so it was just a fucking good riddance. But with Bobby, my being an illegitimate child was nothing to him.

He cocked an eyebrow at me. "Why do you think it should bother me when I personally think it shouldn't. You tell me, Gracie." he fondly asked me back.

I shrugged my shoulders. "I am an eligitimate child," I reiterated.

"So?"

"You come from a very happy and almost perfect family. You might not want to be associated with me."

He smirked. "That's ridiculous. Ashley, hindi lang ikaw ang nag-iisang ilegitimate child sa buong mundo. And besides, everybody has secrets in their closet. Yours was just out in the open. And it doesn't have to bother you. Really."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now