Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus

Start from the beginning
                                    

"Yep," he answered, almost a whisper, too.

And we were holding each other's gazes. Still.

Ako ang unang bumawi ng staring contest namin. Pakiramdam ko ay tumayo na naman ang mga balahibo ko sa batok. On instinct ay napahipo ako sa batok ko. I forced myself to organize my thoughts. "Ahmm..." Napatingin ako sa convenience store. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Bobby. "Dito ka lang, may bibilhin lang ako sa loob."

Pero bago pa ako nakatalikod ay agad na nahawakan ni Bobby ang kamay ko. "Samahan na kita-"

"No, huwag na-"

He cocked an eyebrow at me. "Sure?" Then he smiled.

Cute smile. 'Tangna...

Napangiti rin ako. Isang maluwang na ngiti. "Sure." Pagkatapos ay agad na akong tumalikod.

Pagpasok ko sa loob ng convenience store ay saka ako naglabas ng isang malalim na buntong-hininga.

Para saan 'yan, Ashley? tanong ko sa sarili at napailing. Ngayon lang ako na-awkward. Ngayon lang. Ano ba ang nangyayari sa akin?

Palihim kong sinilip si Bobby sa labas. Nakasandal siya sa kotse. Ang isang kamay ay nasa bulsa at ang isa ay sumusuklay sa buhok niya. Parang nag-iisip.

I heaved a sigh. Bakit parang nagiging interesting para sa akin si Bobby Gallego?

"WHAT IS THIS?" nangingiting tanong ni Bobby nang iprisinta ko sa harapan niya ang isang bavarian doughnut na may maliit na color blue na kandila na nakatusok sa gitna niyon.

"Para sa 'yo," kaswal kong sabi. "Birthday mo, 'di ba? Eh, wala ng cake na tinda sa paligid. So, pagt'yagaan mo na 'to."

He smiled lazily. "Nag-abala ka pa, Gracie."

I waved my free hand. "This is the least I can do on your twentieth birthday, Bobby."

"Salamat."

Pinalo ko siya sa braso. "Bente ka na. Binata na," I joked.

I kept a mental note to avoid touching his stomach. May kiliti pala siya roon.

Natawa siya ng malakas.

Oh, shit. That adam's apple again.

"Pwede ng mag-asawa?" he joked. His smile was playful.

Umikot ang mga eyeballs ko. "Pa'no kang mag-aasawa, ni wala ka ngang gilrfiend?" pang-aasar ko.

Natigilan si Bobby. Then he licked his lower lip. He would do that when he was thinking. Napapansin ko iyon. Hindi rin nakaligtas sa akin ang lungkot na dumaan sa mga mata niya. Pero sandali lang.

You are such a bitch, Ashley Grace! kastigo ko s sarili ko. Birthday na birthday n'ung tao, pinalulungkot mo.

Bobby shrugged his shoulders. "Oo nga, 'no?" pabiro niyang sagot. "Ouch." Then he grinned. His cute smiley grin.

I made a peace sign. "Joke lang 'yun, ha?"

He chuckled. "I know, Gracie." He looked directly into my eyes. "Alam ko na ngayon kung kelan ka nagbibiro at kung kelan hindi."

It was my time to giggle. Pagkatapos ay kinuha ko ang lighter mula sa bulsa ko na kasama kong binili kanina. Sinindihan ko ang kandila. "Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you..." mabilis kong kanta. "Make a wish before you blow the candle, Bobby."

Saglit na tumahimik si Bobby pagkatapos ay akmang hihipan na ang kandila nang ilayo ko iyon sa kanya.

"Close your eyes when making a wish."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now