Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley

Start from the beginning
                                    

Hindi ko sinabi kay Bobby noong una ang plano ko. Basta t-in-ext ko siya at sinabing magpapasama ako sa isang lakad ko sa kanya. He immediately said yes, hintayin ko lang daw siya. Sinabihan ko rin siya na magdala ng kotseng hindi pamilyar sa mga nakakakilala sa kanya. At ang bagum-bagong Porsche ang ginamit niya.

Kaninang malapit na kami sa venue ko lang sinabi sa kanya ang totoo na sa gig nina Zeke ang punta namin. He did not get pissed off when he learned about it. He just wanted to back out not because he was a coward but because he was concerned about my safety.

Which, holy shit, touched my heart. Walang lalaking naging concern sa safety ko. Not even my freaking previous boyfriends.

Iyong pangalawang boyfriend ko nga, magkasama kami sa isang bar at gusto ko ng umuwi dahil masakit na ang ulo ko pero ayaw pa niya kaya pinag-taxi na lang ako pauwi gayong alas dos na ng madaling araw.

Mabuti na lang at isang mabait na matanda ang driver ng taxi. Pagbaba ko ay may pahabol siyang payo sa akin na makipag-break na ako sa boyfriend ko kung hindi man lang ako maihatid sa bahay ko sa dis-oras ng gabi

Ngumiti lang ako sa driver. But I took his advice and broke up with my jerk boyfriend.

Lahat ng napupuntang boyfriend sa akin ay jerk at asshole. Kaya nasanay na akong walang nagki-care na lalaki sa akin. Kahit sa salita man lang. Kaya siguro ganito ang epekto ng mga salita ni Bobby sa akin.

Hindi kasi ako sanay. At hindi ako dapat na masanay lalo na kay Bobby. Dahil pagkatapos nito, we were quits. Nakaganti na kami pareho sa asshole na si Zeke. Wala na akong pakialam ke mag-move na siya kay Kate o forever siyang maghintay sa babae kung babalik pa sa kanya.

Bumukas ang maliit na pedestrian door ng gate at iniluwa ang isang lalaking naka-guard's uniform. Bigla akong kinabahan. Paano kung mali pala ang information na nakuha ko?

But Bobby looked calm. He was always like that. Parang ang sarap lang niyang kasama sa oras ng kagipitan. Like a ship's anchor in the middle of the storm.

Ibinaba ni Bobby ang bintana ng kotse sa side niya. "Dragonfruit," sabi ni Bobby. Iyon ang password para makapasok sa loob.

Tumango lang ang guard at pagkatapos ay binuksan na ang malaking gate para makapasok kami. Nakahinga ako ng maluwag.

Tumingin si Bobby sa akin. "This is it, Gracie."

"Wala ng atrasan, Bobby."

Pagpasok namin sa loob ay mas malawak pa iyon kesa sa tingin sa labas. Ang dami na ring mga nakaparadang sasakyan na halos puro mga modelo at mamahalin. Kahit kinakabahan ako, hindi ko iyon ipinakita kay Bobby who still looked calm. Kaswal lang ang mga kilos niya.

Bago kami bumaba sa sasakyan ay isinuot ko ang hoodie ko. Pinalapit ko siya ng konti sa akin at isinuotb ko rin ang hoodie sa ulo niya. Nagpagawa pa ako ng couple's hoodie jacket para rito. Para hindi kami mahalata. At matakpan maski paano ang identity namin.

"Let's go," ani ko matapos kong makuha ang tansan sa sling bag ko. Ibinulsa ko iyon.

Bumaba si Bobby at pagkatapos ay patakbong lumipat sa side ko. Pero bago pa niya ako napagbuksan ng pinto ay nakalabas na ako. Hindi naman kasi ako sanay na pinagbubuksan ng pinto ng lalaki.

Bobby was just too gentleman. But it was a good thing because it meant that chivalry was not dead yet.

Hindi nga lang ako sanay.

Paglabas namin ng sasakyan ay dinig na namin ang hiyawan at tugtugan sa loob ng warehouse building mula sa parking lot. Hindi ganoon kaliwanag sa parking area. May mangilan-ngilang lamp posts na nagbibigay liwanag.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now