Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet

42.5K 760 112
                                    

ASHLEY

NAPAAWANG ANG BIBIG ko dahil sa kaseryosohan sa ekspresyon at tinig ni Bobby nang sabihin niya iyon. Pero saglit lang dahil ayokong isipin niya ni isang saglit na natakot ako sa banta niya. "Whoa, whoa! Jacob's deputy and the ever loyal and dependable bestfriend is ready to take the bullet," I said in a raised eyebrow, mocking him. "How noble," nang-aasar ko pang dagdag.

Tumingin siya ng diretso sa akin. "I'm not kidding, Ashley. Don't try me." Nasa tinig pa rin niya ang pagbabanta.

I bit my lower lip then giggled quietly. May halong pang-aasar ang mahinang pagtawa kong iyon. I crossed my arms over my chest and studied his face. "I can see that you've also opened your umbrella of protection for Miranda, huh? Just like Lucas and Jacob. At kung sinu-sino pa."

"We all love Miranda," he said, not hiding the fondness in his voice upon mentioning Miranda's name. "She's a nice girl."

There was a pang of jealousy that rose from my chest. Maraming gustong pumrotekta kay Miranda. Marami ang nagmamahal sa kanya.

Hindi tulad ko. Wala. Na kung minsan, ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin ay pinagdududahan ko pa kung totoo ngang mahal nila ako o dala lang ng obligasyon nila sa akin kaya ako nabubuhay.

Pinilit kong alisin ang thought na iyon sa utak ko. It was not helping me. "And I figure that I am not. Of course," I said, full of sarcasm.

Bobby smirked. "I didn't say that, Ashley. You did."

I narrowed my eyes on him. "How do you plan to protect Jacob and Miranda from my bitchy and evil plans, hmmm?" nang-aasar kong sabi.

"Keep you away from them as much and as long as I can," he said with so much conviction.

"And how will you do that?"

"I have my ways," aniya.

It was a threat thrown at me to protect Miranda.

Miranda. God, nagsasawa na ako sa pangalan niya.

Bakit nahuhuli ni Miranda ang loob ng mga tao? Si Lucas, Jacob, Stasha then Bobby? I wonder baka si Tres Esquivel din. At hindi ako magtataka kung buong basketball team ay protektado siya. What was with her? Was that girl really that lovable and nice? Duh.

I gave Bobby a slow clap habang isang nang-iinis na ngiti ang nasa labi ko. "Great!" nakataas ang isang kilay na sabi ko. I stepped a little towards him. "Bring it on, Bobby," hamon ko. "I'm not scared."

Niliitan ni Bobby ang espasyo sa pagitan namin nang lumapit din siya sa akin. "Oh, I will, Gracie. I promise you, I will." Nagbabanta ang tinig niya. Pagkatapos ay pinisil niya ako sa baba. Mabilis lang na parang pinadaan lang niya ang hinalalaki at hintuturo sa baba ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Sa ilang taong pagkakakilala ko kay Bobby, ngayon lang niya iyon ginawa sa akin. Ni hindi nga nagdidikit ang mga balat namin sa tuwing nagkikita kami, maliban na lang kung aksidenteng mapalapit siya sa akin.

Pero ito ay sinadya niya.

At tinawag niya akong 'Gracie'? My second name that I hated. Fuck you, Bobby.

Malakas ko siyang tinapik sa balikat. Kung ang intensyon niya ay inisin ako, nagawa niya.  "Don't call me that," naiirita kong sabi. Hindi ko na iyon nagawang maitago. "No one calls me that." Not even my parents.

He grinned. His wide smiley grin. Isang ngiting tila naaaliw dahil alam niyang nanalo siya dahil nagawa niya akong inisin.

At naiinis ako sa sarili ko dahil naipakita ko sa kanyang naiinis ako.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon