Chapter 1 : Ashley Is Back

130K 1.5K 156
                                    

ASHLEY

TATLONG BUWAN AKONG nawala sa HFU o Holy Family University ay wala akong nakitang pagbabago maliban sa ilang banners na nakasabit at bagong pinturang mga benches sa school grounds.

Parang merong event na tinatawag na Talentadong Holyian na sponsored ng Artists' Club dahil sa mga kabi-kabilang banners na nakasabit tungkol dito.

Maliban doon ay wala na akong nakita. I have yet to see kung anu-ano pa ang nabago sa alma mater ko sa loob ng tatlong buwan simula nang umalis ako. Ang hindi lang naman nababago sa HFU ay ang fact na isa pa rin ito sa top ten universities in Asia. Ang aking alma mater.

Dati kong alma mater, pagtatama ko sa sarili.

Dahil hindi ko natapos ang first sem ay nag-drop out na ako. I was graduating this school year pero nabalewala ko iyon nang mag-decide akong sa Brazil na manirahan kasama ang mommy ko at ang bago niyang asawang Brazilian.

Because of what I did.

I almost ruined Lucas, the current Student Council President and Stasha's relationship when I told Lucas, quite dramatically, about the dare between Stasha and the It Girls na si Lucas ang parang lumalabas na premyo sa mananalo sa dare. Bagay na ikinasama ng loob ni Lucas kay Stasha at naging dahilan ng pansamantalang break-up nila.

Pero mabuti na lang at nanaig ang pag-ibig ng dalawa sa isa't-isa at hindi tuluyang nagkasira. Good for them.

Bad for me. Because it made me the HFU's heartless bitch for almost ruining the relationship of two of the most famous campus royalties in HFU. I was also the HFU's big bully having bullied Miranda dela Cruz-among others. Miranda was the campus beauty and brains, a year level our junior and Jacob Maravilla's current girlfriend.

I, Ashley Grace Lim was the HFU's notorious bully.

I was part of It Girls, samahan ng mga magagandang maaarte.

At mapang-api at bully, singit ng utak ko. I smiled at the thought.

Katulad ko at ni Stasha. The It Girls were quite popular in the campus. Stasha was tagged as the Campus Queen, bagay na kinaiingitan ko sa kanya noon pa mang first year pa lang kami. Kumukuha kami ng kursong Mass Communication.

Lalo pa nang manligaw sa kanya si Jacob Maravilla, HFU's basketball star player. The handsome Jacob Maravilla courted Stasha when we were in first year.

I saw Jacob first. Pakiramdam ko ay una siyang naging akin dahil ako ang unang nakakita sa kanya sa auditorium during the symposium for all the freshmen of HFU.

His handsome smile caught my eyes. And my heart. Nang una ko siyang makitang ngumiti habang kausap ang iba pang first year students, pakiramdam ko ay tumigil ang oras at maging ang pag-ikot ng mundo.

I was smitten. Very, to say the least.

Ako ang gumawa ng paraan para magkakilala kami. Agad ko siyang nilapitan pagkatapos ng symposium. Although, suplado sa unang tingin, he was friendly enough. And a gentleman and humble maski na nalaman ko rin nang araw na iyon na apo siya ng pinakamayamang tao sa Pilipinas.

Since then I kept this huge and secret crush on him. Ipinakilala ko siya kay Stasha dahil magka-blockmate na kami ni Stasha.

Jacob and I would smile and say hello to each other whenever we would see each other. I would always, always watch him whenever and wherever they have games. I would text him and he would reply, siguro part of being a gentleman just so I would not feel that he was ignoring or dismissing me. Isa lang siguro ako sa mga babaeng nagti-text sa kanya. Hanggang sa maramdaman kong I was already falling in love with him.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon